chapter 17; Escaped
Pilig sa kaliwa, pilig sa kanan.
Lahat na yata ng sulok ng king size niyang kama ay naikutan ni Lucien.
It was almost 3 am in the morning but still, gising na gising pa ang diwa niya.
Napalingon si Lucien sa ilang boteng wine na nainom niya kagabi at isang boteng vodka para antukin pero ang naging ending, pumipintig ang sintido niya at sumakit lang ang ulo niya pero di pa rin siya dalawin ng antok. He was worried.
Worried for the woman he should be hating!
Pabagsak na muling humiga si Lucien sa kama. Kinuha ang malambot na unan sa tabi niya at itinakip iyon sa mukha.
Pero ilang segundong lang ang itinagal ay inis na naihagis niya ang unan sa malayo sabay bangon.
Ilang ulit siyang napapamura dahil sa sobrang inis at pagkadismaya sa mga pinaggagagawa niya, siguradong puno na ng badwords ang loob ng malaki niyang kuwarto.
Tumayo si Lucien mula sa kama at padabog na pumunta sa banyo para maligo. Binuksan niya ang shower sa malamig nitong temperatura, nais sana niyang mahimasmasan siya at nang sa ganon antukin.
Pagtapat ni Lucien sa shower, napapikit pa siya sa malamig na tubig na umakap sa kaniyang balat. Hindi naman siya nabigo, kahit paano ay na preskohan ang pakiramdam niya kaya hinayaan niya munang magbabad ng ilang minuto pa at pumikit.
But, as he closed his eyes, the image of Vladimyr's beaten face flashed to his visions. Her cuts, wounds, drenched blood and some gushing from her skin. The swollen bruises that made her smooth and delicate skin became purple. Her gorgeous and soft appearance looks miserable while helplessly laying on that stretcher.
Muli na namang napamura si Lucien. Masyado siyang nag aalala sa babaeng yon na dapat ay kamuhian niya.
He felt the urge to know what really happened to that woman, why did she look so beaten?
'This is crazy!' he shouts in his mind.
He is crazy.
Hindi na kayang tiisin ni Lucien ang napakaraming mga tanong at matinding pag aalala sa babaeng yon. Kay Vladimyr.
Wala sa sariling lumabas ng kwarto, nagbibihis ng simpleng t-shirt. Black pants at rubber shoes. Kinuha ang susi ng kotse niya at patakbong tumungo ng car park.
Hindi na niya kayang tiisin ang lahat ng tanong at nakakabaliw na pag aalala para sa babaeng yon.
He wants some answer as if she owes it to him and deserves it!
'I wants to know the truth!' he said protested in his mind.
Mababaliw na siya sa pag aalala!
Ramdam ni Vladimyr ang pagdampi ng malamig na hangin sa kaniyang pisngi, dahilan para dahan-dahan niyang imulat ang kanyang mga mata.
Masakit pa rin ang buo niyang katawan pero di na tulad ng una, konting kilos lang ay halos panawan siya ng malay.
She has a bandage on her head, and on her abdomen. Kinapa niya ang parteng iyon ng katawan niya at doon niya lang nalaman na tinamaan din pala siya ng bala sa tagiliran. Pero wala siyang nararamdamang kirot. Di rin siya nakakaramdam ng panghihina. Para nga'ng na refresh ang katawan niya. Siguro dahil sa mga gamot na binigay sa kanya while she is unconscious.
Those doses of medicine injected to her IV drip are very effective.
Marahang lumingon si Vlad sa paligid. Wala siyang nakikitang kasama sa loob ng room na yon.
Dahan-dahang buntong hininga si Vladimyr habang iniisip kung sino ang nasa likod ng biglang ambush na yon.
Two men came in her mind, ang kapatid ng late madame na si Mr. Gregorio Dela Claire at Mr. Manolo Aguas na asawa ng kapatid na babae na si Herminia Dela Claire.
From the beginning inamin ni Doña Luz ang plano ng dalawang mag bayaw sa kaniya. On a recorded video na ibinigay ni Atty. Enriquez sa kaniya pagkatapos ng tatlong taong training.
Since the late Madame has no child. She has no possible heiress of her wealth. But, she even admits that even though she has a child, she won't let her child have such an incredibly messy life like she had.
Doon niya lang naintindihan kung bakit ipinagpilitan sa kaniya ang lahat ng kayamanan niyo. At pinilit siyang magtraining sa lahat ng kailangan niyang matutunan.
Kung ibibigay ng late Madam ang kayamanan sa mga kapatid niya, they will surely die in an instant. Dahil sa ibang mga kalaban ng Madam.
Plus, she admit, her brother and sister aren't brave to deal with her unknown enemies.
Pero, matagal na niyang tinuldukan ang buhay ng mga kalaban ng late Madam. Kaya angbmgabito lang ang naiisip niyang may lakas ng loob na kalabanin siya. Pagtangkaan ang buhay niya.
Si Madam Luz, isang matandang dalaga na nag sikap hanggang sa maabot niya ang position niya sa Phoenix Org.
Phoenix Organization is an independent underground organization which helps the government to chase and capture big bosses and criminals around the country. There are 10 boss rank positions and the late Madame's rank is in Vlad's hand. Being one of the 10 bosses means lots of enemies. Isang dahilan kung bakit di siya nag-asawa dahil walang pwedeng pagkatiwalaan kahit ang sarili mo, di mo masasabi kung kelan ka ta-traydorin.
She remembered the late madame's favorite nephew.
'Josh Gersons..."
That guy is already expiate his deeds behind bars. Nasaksihan ni Vladimyr kung gaano kaganda ang samahan ng dalawa. Parang anak na ang turing ng donya sa lalaking yon, pero sa isang iglap. Ito pa mismo ang kumitil sa buhay ng donya. Naikuyom ni Vladimyr ang kamao, nakalimutan niyang may nakakabit sa kanyang IV drip. Napalingon siya doon at nakita niya ang pag akyat ng dugo niya sa tube dahilan para mapa buntong hininga siya.
'This thing was caused by those scum! Mr. Dela Claire and Mr. Aguas! who just trying to end my life. Pero sige malapit na tayong magtuos mga ungas!' nanggigigil niyang sambit sa sarili.
She felt the waves of waves of rage consuming her sanity. She gritted her teeth and clenched her fist tightly, as tight as her palm shot white. Ignoring the pain from her system. Vladimyr removes the IV and the oxygen support attached to her at umalis sa kama na yon. Kinuha niya ang jacket na nakalagay sa mahabang sofa. Sa tantiya niya ay kay Ethan yon dahil sa malaki ito. Tama lang ang haba para maging dress na niya ito.
She needs to deal with those men to avoid any threats coming to her and her family. Gusto niyang matapos na ito.
Tyempo naman na walang gaanong tao dahil madaling araw na kaya walang nakapansin ang paglabas ni Vladimyr sa ospital
She even got a guard's gun while asking him where to find the ladies room. Medyo nagduda pa sa kanya ang guard pero inartehan niya na lang ito na naiihi na kaya nang ituro nito ang cr. Nagkunwari siyang di ito mabuksan. Binuksan na lang ito ng guard para sa kanya. Pagbukas nito ay saka na binunot ang baril na nakasukbit sa holster nito malakas na hinampas ni Vlad ng handle sa batok ang guard at nawalan ito ng malay agad.
Nagmamadaling tinahak ni Vladimyr ang parking area habang sinisipat ang mga nakaherelang sasakyan doon hanggang mapansin niya ang kararating lang na itim na kotse.
Pasimple niya itong sinundan hanggang sa huminto ito at bumaba ang may-ari. Base on the man's figure, he is in a 6 feet height, a well built muscular body frame. Mukhang mahilig mag workout ang lalaki. Pero di yon sapat para umatras si Vladimyr.
Disidido na siyang harapin si Don Gregorio.
Malakas niyang tinadyakan ang binti nito, sapat para mapaluhod ng inaasahan ng may-ari ang pangyayari sabay hampas ng baril sa ulo nito. The man grunted in pain as he reached his nape bago nawalan ng malay. Bumagsak ang lalaki sa driver's seat
Napamura si Vladimyr dahil mukhang mahihirapan siyang alisin ito sa pwestong yon kaya pasimple niyang itinulak ang lalaki sa backseat na halos ika ubos niya ng lakas.
Matangkad ang lalaki na naka suot ng itim na t-shirt at pantalon. Kahit madilim ay kita niyang maputi nitong brasong namumutok sa muscles gayundin ang malapad nitong likod na sa tantiya niya ay alaga sa work out. Di rin naiwasan ni Vladimyr na malanghap ang panlalaking pabango nito na may banayad at malamig na amoy.
Pero wala siyang oras para sa pansinin pa ang mga iyon. She needs to go to the Dela Claire villa as soon as possible to deal with those scum to end their lives!