The Crazy Rich Madame

Chapter 79: So Stubborn



Napatili sa takot ang madrasta ni Vladimyr. Nang sunod-sunod na pinaputukan ni Vlad ang tatlong guard sa mga balikat ng mga ito at matalim na pinukulan ng nagbabanta ang tingin. Nang bumulagta sa sahig at duguang nakakapit sa mga

sugat.

"M-Madam-!"

Sambit ng mga ito, bakas ang pamumutla sa mga mukha, habang pigil ang hiningang napapadaing dulot ng tama ng bala.

"Itapon niyo yang dalawang 'yan sa labas at wag na wag ninyong papapasukin sa pamamahay ko ang dalawang matatandang yan. Maliban sa mga kapatid ko. Dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na baliin ko mga leeg niyo sa harap ng pamilya niyo, naiintindihan niyo ba?" Gigil na gigil na sigaw ni Vladimyr, dahilan para mangatog ang mga tuhod ng mga guard sa sobrang takot.

Ngayon lang nila nakitang ganito ang Boss nila. Lagi naman itong kalmado magsalita na parang di marunong magalit.

Pero ngayon, para bang kumawala ang nakakapangilabot na halimaw mula sa loob nito. Nagmamadaling sinunod ng mga ito ang utos ni Vladimyr at walang nagawa ang ama niya ng halos buhatin na sila paalis.

Habang ang mga kapatid niya naman ay niyakap siya ng mahigpit. Walang tigil na umiiyak at humihingi ng tawad.

Vraq and Vlex were crying and she couldn't bear to see it. But she is angry. She wanted to be alone dealing with her breakdown to compose herself again.

Nagmamadaling tumayo si Lucien matapos ang halos dalawang oras na meeting sa conference room.

Mas lalo siyang nakakaramdam ng pagka-aburido, iritasyon at nakakaubos ng pasensya na pagkabagot dahil sa mga reklamo ng mga board members na hindi sumasang-ayon sa mga desisyon niya. Ngunit walang nagawa ang mga ito dahil siya pa rin ang may-ari. Siya pa rin ang pinaka Boss kaya ang salita niya pa rin ang masusunod.

Kasabay si Casper at ang sekretarya niyang si Diana, sumakay ng exclusive elevator si Lucien kung saan siya lang ang pwedeng gumamit nito. Bukod sa lahat ng mga empleyado niya.

Nagmamadaling lumabas ng elevator si Lucien nang bumukas itong muli. Nasa main lobby na sila ng building niya kung saan mas maring tao sa paligid ang napapahinto at napapatunganga sa hindi matatawarang kaguwapuhan niyang tila isang adonis sa itim na business suit, na bumaba sa lupa. Napaka perpekto ng kaniyang mukha.

Kahit saang angulo tingnan, umaapaw sa lakas ng dating ang presensiya ni Lucien. Na humahatak sa atensyon ng mga kababaihang naroon.

"Deretso tayo sa ospital. Gusto kong sunduin si Vladimyr ngayon. Gusto ko ako ang mag-aasikaso sa kaniya. At maghahatid sa bahay niya. I want to make sure that she's safe and our baby is safe as well." Kaswal na utos ni Lucien kay Casper habang naglalakad.

"Yes Boss!" Sumaludo si Casper kay Lucien.

Sinenyasan naman niya ang sekretarya na si Diana at agad naman nitong naintintindihan ang gagawin kaya lumihis na agad ito para bumalik sa kaniyang opisina at gawin ang bilin niya.

Malalaki ang lakad ni Lucien habang tinatahak ang landas patungo sa exit. Walang-wala sa isip niya ang babaeng biglang lumapit at walang pag-aalinlangan na ibinuhos ang isang buong laman ng basura sa kabuuan niya pagsalubong nito. Gulat na gulat si Lucien, na halos hindi niya agad na iwasan ang mga iyon. Malalaki ang mga mata niya na nag-angat ng tingin sa babaeng naka-itim. Mula ulo hanggang paa, gothic chic ang style. Straight black hair na may bangs. Black lipstick and and eyeliners. Kahit ang damit niyo ay itim din at ang boots na hanggang tuhod, itim din. Para na siyang isang manika na nabuhay.

Ngunit hindi pa pala tapos ito sa kaniyang ginawa. Malakas na lumapat sa pisngi ni Lucien ang munti nitong palad. Napasinghap sa gulat ang mga nakakita at si Casper na sinubukang pumagitna para protektahan Si Lucien. "Isa kang basura! Bagay ka dyan dahil isa kang walang kwentang basura na pinepeste ang kapatid ko!" Gigil na sigaw nito. Matalim ang mga mata nito na nakapukol kay Lucien. Tila ba nais na siyang tirisin kung hindi lang siya higit na matangkad at may malapat na kabuuan. "Vraq..."

"Wag mo kong matawag-tawag na Vraq! Hindi tayo close walanghiya ka! Papatayin kita bwisit ka!" Sigaw na naman nito at pilit inaabot si Lucien upang saktan pero si Casper ang inaabot ng pananampal at pangangalmot ng itim at mahahaba nitong kuko.

"Binalaan na kita! Sabi ko sayo wag mo siyang sasaktan! Kung hindi mo kaya sana hindi ka na lang nagpakita! Walang Hiya ka! Wala kang mabuting dulot para sa ate ko kaya halika dito tuturuan kita ng leksyon bwisit kang lalaki ka! Wag kang magtago sa likod ng asungot mong alalay!" sigaw pa nito. Napapangiwi na lang si Casper tuwing siya ang nasasampal at nasisipa ni Vraq.

Tila huminto ang oras at lahat ng bagay nang lumagapak ang malutong na sampal sa mukha ni Lucien, dahilan para matigilan siya at mapanganga sa kapatid ni Vladimyr, si Vraq.

Hindi man nakakatinag ang sampal na iyon, namula naman ang pisngi ni Lucien na bumakat ang mga daliri nito sa makinis niyang pisngi.

Malakas na nagpalitan ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa paligid kasama ang mga empleyado at iba pang mga naroon habang nakanganga na nakatingin sa kanila.

Umalingawngaw ang tunog ng basurahan na itinapon na lang basta sa tiled na sahig, at nagpagulong-gulong. Nang muling ihagis iyon ni Vraq kay Lucien ngunit si Casper ang tinamaan sa mukha.

"Miss Vraq-" Anas ni Lucien. Tangka niyang aabutin ito ngunit hindi na niya itinuloy at hinayaan na lang ang kapatid ni Vladimyr na ilabas ang lahat ng nararamdaman nitong galit sa kaniya. Nanatili siyang nakatayo para tanggapin na lang ang lahat ng pananakit nito pisikal at emosyonal.

"Ang kapal ng pagmumukha mo Luvien Ezquillon! Pinagsabihan na kita wag na wag mong sasaktan ang ate ko at talagang sasamain ka sa akin hudas ka! Wala kang kwenta bwisit ka! Akala mo ba matatakot ako sayo bwisit ka! Pagkatapos mong buntisin ang ate ko iiwan mo! Wala ka talagang kwenta!" Umalingawngaw na naman sa buong paligid ang matinis at malakas na boses nito. Gigil na gigil at tinangka na naman siyang susugurin ng biglang may humawak sa bewang nito at inilalayo sa kaniya.

"Vraq! Vraq! Shit what fuck are you doing?" Malambing madiin ang tono nito.

"Bitawan mo nga ako, Leon! Tuturuan ko lang ng leksyon ang ungas na 'yan!" Naggagalaiti na singhal ni Vraq kay Leon at pilit kumakawala mula sa mga bisig ng huli.

"Tama na, Vraq! Baka kung mapaano ka pa. Let him be!" Masuyong awat muli ni Leon. Hawak nito saga braso ang kapatid ni Vladimyr at pilit inilalayo kay Lucien, ngunit nagpupumiglas pa rin ito at gustong atakihin si Lucien dahil sa tindi ng galit.

Nagsalubong ang kilay ni Lucien sa dalawa habang pinagmamasdan ito. Nakukunsensya siya dahil sa nagawa niyang pananakit sa damdamin ni Vladimyr. Kahit hindi ito nagpapakita ng tunay na emosyon, hindi dapat niya nakalimutan na tao pa rin naman ito at imposible na hindi masaktan sa mga binitawan niyang salita. Nabanggit din nina Ethan ang nangyaring bleeding ni Vladimyr noong nagtalo sila dahil sa selos niya. Ngayon pakiramdam niya tama lang na saktan siya ng kapatid ni Vladimyr dahil sa nagawa niyang hindi maganda para dito.

He almost lose his child. Because of his stupidity. Sana kinausap niya ng maayos si Vladimyr noon kesa ang pinatulan pa niya. He found out from a book for pregnant women that there's a mood changes for pregnant women. Cravings and short tempered. Kaya dapat intindihin.

"Ito ang tatandaan mo Luvien ah." Singhal ni Vraq. Habol ang paghinga nito habang nakaduro ang daliri sa kaniya. "Wag na wag ka na nang lalapit pa sa ate Vladimyr ko! Kung hindi makakatikim ka talaga sa'kin bwisit ka! Wala kang mabuting dulot sa buhay niya peste ka! Bwisit ka!"

Galit na galit nitong sigaw. Sinubukan pa nitong damputin ang basurahan para ibato kay Lucien ngunit maagap itong naawat ni Leon. Saka maingat na inilayo kay Lucien. Hiyang-hiya ito sa ginawang pagwawala kapatid ni Vladimyr sa building mismo ng EZ cuisine.

"Vraq tama na ano ka ba!" Iritadong saway ni Leon. "Pasensya na Bro! Hindi ko naawat kaagad."

"Anong pasensya? Dapat lang sa kaniya yon bagay sila magsama ng basurahan dahil basura yan!" Gigil na sigaw ni Vraq. Buong lakas niyang itinulak si Leon. Muling sinugod ni Vraq si Lucien at pinagsasampal kinalmot at lahat ng nais niyang gawin dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya para sa lalaking nanakit na naman sa Ate niya, sa ikalawang pagkakataon.

Kaagad na niyakap ni Leon ng mahigpit si Vraq, sa manipis nitong bewang at muling inilayo hanggang makalabas na ang mga ito sa lobby ng building ni Lucien.

Naiiling siyang pinunasan ang bahaging mahapdi sa pisngi niya. Nakita niya ang kaunting dugo sa palad niya mula doon. Nakalmot din pala siya ni Vraq. Hindi niya napansin, pero wala naman siyang balak intindihin pa iyon. "Casper, let's go!" baling niya kay Casper. Napailing na lang siya dahil sa dami ng kalmot na tinamo nito. At ang bakat ng palad ni Vraq sa pisngi nito at sa braso.

"Pambihira boss may sa tigre pala ang kapatid ni ma'am Vladimyr!" nakangiwing ani ni Casper.

"I didn't know too. Go to the clinic after this." Wika niya at inabutan ng panyo si Casper.

"May isa pa siyang kapatid boss di ba?"

"Yeah. It's Vlex."

"Mukhang mabait yon Boss. Mahindhin at parang hindi makabasag pinggan."

"Don't trust her looks. She's a black belter in martial arts, champion in archery and target shooting, a gymnast and a Lawyer." Kaswal na sabi ni Lucien. Narinig ni Lucien ang paglunok ni Casper dahil sa sinabi niya.

"Magkakapatid nga sila. Pareho silang mga nakakatakot." kabado na ani ni Casper.

Natawa na lang si Lucien. Pero totoo ang sinabi niya. Kailan niya lang nalaman mula kay Vladimyr ang tungkol sa mga kapatid nito.

"WHAT? How come you didn't know she left?" mariing naikuyom ni Lucien ang kamao nang malaman na tumakas si Vladimyr sa ospital, gabi pa lang.

Pagdating niya dito para sana sunduin si Vladimyr, naabutan niyang sinesermunan ng doktor ang dalawang nurse na nag-aasikaso kay Vlad.

Puno ng iritasyon at pagkadismaya ang mga mata niya na pumukol sa doctor at mga nurse na tumitingin kay Vladimyr. Ayon sa doktor, nakalingat lang daw ang nurse. Pagbalik nito wala na si Vladimyr sa kwarto. Iniwan ang swero na nakalaylay sa gilid at may bahid pa ng dugo.

"Damn it! Anong klaseng security ang meron kayo? Natatakasan kayo ng pasyente? This is the second time na natakasan kayo ni Vladimyr! You should've tightened your security! You should be more careful!"

Galit na galit na singhal ni Lucien sa mga nurse at doktor bago siya nagpasya na umalis para puntahan ito mismo sa bahay niya.

Masyado siyang nag-aalala para sa baby nila. Natatakot siya na baka anong mangyari sa mga ito dahil sa pagtakas nito sa ospital.

"Damn it! Why is she so stubborn?" he angrily mumbles.

Lucien storms out of the hospital, rushing towards the parking area to get his cars. Planning to go to Vladimyr's house.

Pagdating niya sa parking area, sumakay kaagad siya sa kotse niya at agad na pinaharurot iyon papunta sa mansion. Sinusubukan niya rin itong tawagan. "Vladimyr!"

"Oh? anong problema?"

"What? Tinatanong mo ako kung anong problema? The fuck Vladimyr!"

"Tumawag ka ba para sigawan ako? Bakit di mo subukan gumamit ng megaphone, baka nahihinaan ka pa dyan sa boses mo."

"Hindi ako nakikipag biruan Vladimyr! Bakit ka tumakas sa ospital?"

"Ah iyon ba? Ah... Kasi gusto ko."

"Shit! Ano ba ang uri ng rason yan?"

"kailangan ba malalim?"

"Fine. Asan ka?"

Usisa ni Lucien. Nauubusan na siya ng pasensya pero pinipigilan niya ang sarili.

"N-nasa opisina ka?" nagsalubong ang kilay ni Lucien ng marining ang tinig ng sekretarya ni Vladimyr mula sa kabilang linya. "Oo bakit?"

"Wag kang aalis dyan! Susunduin kita. Maliwanag?"

"May kotse ako. Kaya kong umuwi mag-isa. Wag ka nang mag-abala pa.

وو

"Wag ka nang makipagtalo. Pupuntahan kita."

"Mukha bang nakikipagtalo ako?"

"Basta. I'm on my way now."

"Hindi ka rin makulit noh? Nagtatrabaho ako. Hindi ako pwedeng umuwi agad."

"Hindi ka pa pwede magpagod, Vladimyr. Consider our baby's health."

Nag-aalala na ani ni Lucien. Pakiramdam niya biglang sumakit ang ulo niya ng mga oras na iyon.

"Pwede ba, Luvien leave me alone?" dinig niyang buntong hininga si Vladimyr. "Fine! Bahala ka nga dyan." asik nito. Vladimyr's voice were plain.

Pagkatapos ng huling salita nito, kaagad naputol agad ang tawag na parang balewala lang. Para bang balewala lang kay Vladimyr ang kalagayan niya ngayon kung umasta.

Mariing limutin ang kamao si Lucien at pilit kinakalma ang sarili. Ayaw niyang humarap kay Vladimyr na naiinis dahil wala din naman itong patutunguhan. Isa pa, hindi siya mananalo dito dahil matigas ang ulo nito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.