The Crazy Rich Madame

Chapter 78: Deep Hatred. I don't know you



"Bisita ko? Sino?"

"Si Ma'am Vraq po at ang Daddy niyo daw. Nasa living room po sila, naghihintay." magalang na sagot ng maid.

Lalong na nagsalubong ang kilay ni Vladimyr saka muling napalingon sa direksyon ng living room.

"Kukuha lang po ako ng meryenda." wika nito saka yumuko bago tumalikod. Tinanguan naman ito ni Vladimyr. 'Talaga lang ah? Anong nakain ng mga ito at yumapak sa pamamahay ko?'

Walang gana siyang pumasok sa loob ng bahay at doon nakita niya ang kapatid niyang si Vraq. Sa tabi nito ay ang dalawang taong huli sa listahan ng nais niyang makita. Agad sumalubong ng yakap sa kaniya si Vraq at nahihiyang tumingin sa kaniya.

"Sis..."

"Hey...gabi na dalaw niyo ah. Anong meron?" Sita niya sa mga ito ng hindi tinatapunan ng tingin.

"Myra..." Mahinang anas ng Ama niya. Si Mr. Lorenzo Ramirez. Naka dark gray na business suit pa ito. At sa edad ntong singkwenta mahigit, matikas at bakas pa rin ang pagiging istrikto.

She 'hmned' as an answer. Sabay-sabay silang napalingon sa direksyon ng pinto nang dumating si Vlex. Humahangos ito at bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Sis!" Malambing nityong bati saka yumakap sa kaniya. niyakap naman niya ito pabalik.

"Oh. Sis..."

Nakayukong tumabi ang dalawa niyang kapatid sa ama, kasama ang madrasta niya na agad din siyang inirapan pagkakita.

"Aba, may bisita pala ako... 'hindi' ko 'to inaasahan ah." She sarcastically chuckled. "Anong nakain nyo at bigla kayong naligaw sa bahay ko?" Pasalampak na naupo si Vladimyr sa malaki niyang sofa. At hinimas ang batok na dahil pagod na pagod pa rin siya.

"Myra..."

"Bakit nga?"

Walang gana niyang sagot.

"Ayusin mo pananalita mo Vladimyr! Wala kang modo!" Kaagad na singhal ng madrasta niyang si Pristina.

Napatingin siya dito at malamig na ngumisi.

"Wow, Prestina? Nakakahiya naman na nasa pamamahay ko kayo?" Pagak siyang natawa. "Ako pa ba dapat mag-adjust para sa inyo?" Nakangisi siyang napailing. "Lalo na sa iyo? At sa'yo pa talaga nanggaling ang salitang modo ah?" mahina siyang natawa. "Saan ba nabibili yan? Pabili ka sa asawa mo baka sakaling tablan ka."

Matalim ang tingin na pinukol ni Pristina kay Vladimyr. Para na itong isang toro a umuusok ang ilong sa galit at kulang na lang ay ang suwagin siya.

Pero naniniwala siyang batid ni Pristina kung gaano kahaba ang sungay niya ngayon. Na hindi ang isang tulad nit ang makakatinag sa kaniya. At hindi siya mangingimi na tuhugin siya sa isang maling galaw.

"Bwisit ka talagang bastarda ka! Napaka wala mong modo! Manang-mana ka talaga sa ina mo!" galit na galit nitong singhal kay Vladimyr saka bumaling sa ama niya' "Tingnan mo kung gaano kawalanghiya ang bastarda mong anak Lorenzo!" Gigil na gigil na angal nito sa ama niya.

"Enough!" umalingawngaw ang galit at malaking boses ng ama ni Vladimyr sa kabuuan ng salas. Parang isang kulog na nagngangalit ang malakas at malaki nitong boses na agad lumaganap sa malawak na kabuuan ng salas. napabuntong hininga si Vladimyr saka malamig na tumingin sa ama. madilim at malamig ang tingin niya dito na para bang kaya na silang patigasin.

"Anong pinunta niyo?" She asked. Her eyes are blank, frigid and expressionless. It is as if it can freeze them with her coldness.

"I just wanna visit you, Myra. A-and my...my grandchildren..."

"Ow!"Napa hagalpak siya ng tawa dahil sa tinuran ng kanyang ama. "Grandchildren? Nako late na kayo kase as you can see, tulog na sila. Saka sorry ah. Kase matagal na nilang alam na wala silang lolo kaya makaka alis na kayo. Salamat sa pagbisita."

As Vladimyr stood up to leave, she heard her father snapped out.

"What the hell happened to you? Hindi ka naman ganyan dati sumagot!"

"Woah! Hell? Did you just say hell?" She sneered. "Wag niyong nilalait ang hell. kase itong hell na 'to ang tumanggap sa akin. This thing you called hell is my new world! So better be careful of disrespecting my world. Baka makalimot akong kilala ko kayo. Bestfriend ko pa naman si Satanas." Vlad cut her father's word with dangerous threat seen in her cold and blank eyes.

Hindi makapaniwalang napatitig ang ama ni Vladimyr sa kaniya. Salubong ang mga kilay nito at tila inaabot ang kaisipan.

"Myra...tell me what happened to you? Bakit ka nagkaganyan? Hindi ka naman ganyan dati ah?" Her father asked sympathetically.

She scoffed. "Sabihin na nating... may sungay pala talaga ako, kaso, ngayon lang lumabas. Ang galing 'di ba?"

"Myra please! Talk to me properly!"

"Properly? Paano ba? Nakalimutan ko na eh."

"Myra!"

"Okay fine..." she sighed. "Bakit hindi mo tanungin yang katabi mo? Siya ang naghatid sa akin, sa mundong 'to." baling niya sa madrasta niyang masama ang tingn sa kanya.

"Anong sinasabi mo? Wag mo nga akong dinadamay sa pagkakapariwara mo!" pagtataray ni Pristina.

"Talaga? kung sabagay...bakit ka nga naman aamin diba? wala namang magnanakaw na umamin sa kasalanan nya."

"Sis...wag mo nang pansinin si mom..." Vlex plea.

"Hindi kita dinadamay, ba't kita idadamay? When are you the real reason why I'm in this hell?" She said in a bored, chilling tone. "Oh my beloved hell..."

Vlad breathes to compose herself again. Showing her father how she's not moved by his thunderous roar. Unlike the Myra before, she would immediately tremble and frightened like a small, weak kitten when her father shouts at her.

Galit na pinukulan ng matalim na tingin ng madrasta niya si Vladimyr.

"A-ano?"

"Tama na yan. Gusto ko lang makita ka at ang mga apo ko—"

"Cut it, Mr. Ramirez. Wala kang 'apo' sa pamamahay na to..."

"Anong tawag mo sakin?" Biglang nahdilim ang mukha ni Mr. Ramirez. Malalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala kay Vladimyr.

"Mr. Ramirez."

"Wala ka na talagang galang, Myra! Ako pa rin ang ama mo!" Singhal nito. Namumula ang mukha dulot ng galit.

"Oh?" Vlad laughed as she clapped her hands as if she heard the most funny joke in her life.

"Ama? Kelan pa kita naging ama? Matagal na akong ulila, Mr. Ramirez. Patay na ang mama ko. At wala din akong ama. Di kita tatay Mr. Ramirez. You're just a stranger to me." She said, emphasizing all the words she said. Like a knife; she intentionally pierced it all on the man's heart. As a dark and cold aura emerged from her that caused the atmosphere to thicken and made for the others hard to breathe and frightened.

"Please Sis, calm down. I'm begging you..." Vraq was crying and hugging her. That made her anger lessened.

Mga kapatid niya lang talaga ang mahal na mahal niya at ito lagi ang nakakapag pakalma sa kaniya kapag sinasapian siya ng matinding galit at pagkahalimaw. Dahil kung hindi, she could kill people without a doubt. At itong dalawang to sa harap niya nagti-trigger ng halimaw sa kaloob-looban ng pagkatao niya.

"Vraq, Vlex, uwi nyo 'tong mga magulang niyo. Naliligaw yata sila." she asked them with a tone of supremacy and turn her back, planning to leave but,

"No! Myra "

"I said leave!" She roared ferociously followed by several gunshots echoed around the whole, spacious living room. Which made her father flinch in shock.

The gasped and cries of her sisters and her stepmother hallowed as well.

Vladimyr was holding a gun, aiming it's nuzzle at her father and stepmother who is now shocked by her sudden act. their eyes were wide, and a pale face like all their blood washed off them that instant. Dumaplis ang dalawang bala sa pisngi ng ama niya na pinakawalan niya mula sa baril na pinaputok habang nag-uumapaw ang madilim at nakakatakot na aura mula kay Vladimyr.

Kaagad tumulo ang dugo mula sa sugat na tama ng bala sa pisngi nito, dahilan para lalong manginig sa takot ang madrasta niya.

"Vladimyr papatayin mo ba kami?" Gulat at nanlalaki ang mga mata ni Pristina na nakatutok ang mga mata sa baril.

"Bakit naman hindi? I like your idea, my beloved step mother. I used to be your submissive Cinderella before, right? but it happens that my fate suddenly changes. I became more wicked than you are." She said. "Tutal naman, it is obvious he almost let me die. Die alone." She emphasized the last two words with sarcasm.

"Mabuti nga I'm giving him the privilege to die in my hand. In his unwanted daughter's hands, and not in other's. Hindi sa mga kalaban niya. Hindi ba't magandang idea yon? It's like I'm hitting the two birds with one stone?" she added, her voice is confident and taunting.

Nanlilisik ang mga mata at bakas ang matinding galit sa na nararamdaman ni Vladimyr. Bumaling si Vladimyr sa ama niyang nmumutla na rin sa takot.

"At ikaw?" baling niya sa ama niya. "Hindi ka ba makaintindi? Sabi ko wala na akong ama! Kaya wag kang umasta na para bang napakabuti mong ama. Wala kang kwenta! Bakit ako nagkaganito? Hi di ba't kayo ang dahilan? Ikaw ang ama ko na dapat nangangalaga at umiintindi sakin at nagliligtas sakin pero anong ginawa mo? Tinulak mo ko sa bangin. Kayong dalawa niyang matapobre mong asawa!" Nanginginig ang kamay ni Vladimyr habang umaagos ang luha sa pisngi.

"Ikaw!" tinutok niya kay Pristina ang baril. Napaatras agad ito at napalunok. Nagtago ito sa likod ng ama niya na parang isang duwag. "At ikaw! Pinagtulungan niyo akong dalawa!"

"Naalala mo ba nung humihingi ako ng tulong sayo para ipagamot si mama? Wala ka! Pinagtataguan mo ko! Pinagtatabuyan niyo ako ng asawa mo! At nung wala na si mama, saka ka lang nagpakita dahil kailangan na! At ano ang naging silbi mo don! Anong naging silbi mo don ha? Wala! Kase wala kang kwenta! Pinabayaan mo mama ko! Pinabayaan mo yung babaeng binuntis mo at iniwan mo! Pinabayaan mo siyang mamatay na nagdurusa kasi wala kang kwenta. Wala kang kwentang tao! Wala kang silbing ama!"

Napaupo na lang dahil matinding sa galit si Vladimyr. Habang patuloy ang pagbuhos ng luha at sama ng loob na matagal niyang dinadala. Napuno ng malakas na hagulgol ni Vladimyr ang buong sala. Na para bang ito, sa unang pagkakataon, ngayon lang siya nagkaroon ng chance na ilabas lahat ng galit, paghihinagpis at bigat ng damdamin tungo sa ama niyang pinabayaan siya. Sila ng Mama niya.

Hindi na rin napigilan nina Vraq at Vlex vang bugso ng damdamin, dahil sa lahat ng iyon. Sila lang ang tanging nakasaksi at naging takbuhan ni Vladimyr noon.

Ang madrasta niyang si Pristina na kanina lang ay nagmamataas, ngayon ay tila nararamdaman na rin ang bigat na dinala ni Vladimyr ng ilang taon. At ngayon ay naluluha na rin at nagsisisi. "Nung namatay ang mama ko...nung mawala siya.. buntis ako. Kailangan ko ng tulong dahil alam ko. Alam kong naliligaw ako ang landas..."

"Kailangan ko ng ama. Ng pamilyang masasandalan para makabangon...pero anong ginawa mo? Iniwan niyo ko. Iniwan niyo kong mag-isa habang nagluluksa at nagdurusa ako. Hindi mo man lang iniisip kung anong pwedeng mangyari sa akin sa dahil wala akong mapupuntahan." Muli siyang tumayo at nagpunas ng luha. Galit at luhaang bumaling si Vladimyr kay Pristina.

"At ikaw? Sabihin mo nga sa'kin... sabihin mo nga kung kasalanan ko ba na nakabuntis yang asawa mo, ng ibang babae, Para ako ang singilin mo sa lahat ng pagkakamali ang ginawa niya sayo? Para parusahan mo ako ng higit sa naging kasalanan ko lang ay ipinanganak ako dahil sa pagtataksil niyang asawa mo? Patas ba yon?" Marahas na pinahid ni Vladimyr ang mga luhang walang tigil na umaagos mula sa mga mata.

"Alam mo kung ano nangyari sakin pagkatapos niyo akong iwan? Alam mo? Tumira ako sa kalye.. namamalimos, natulog sa bangketa hanggang sa lumaki na ang mga inosenteng bata sa tiyan ko. Wala akong mapuntahan. Tapos...habang natutulog ako sa ilalim ng tulay, alam mo kung ano tinutulugan ko? Sako at karton...Naatim mo na ang panganay mo natutulog sa kalye. " she bitterly laughed.

"N-nung gabing iyon napagtripan pa ako ng mga tambay na adik. Muntik na akong mapag samantalahan. Tulad niyo, na nagsasabing 'ama ko,' hindi man lang nila iniisip na nagdadalang tao ako. Wala silang pakialam kung ano ang kahihinatnan ko pag ginawa nila kalapastanganan na iyon sa tulad ko."

"Pero buti na lang...buti na lang...may taong tumulong sakin bago mahuli ang lahat." she violently wipe her tears again. Pressed her lips thin and stared at her father who is now crying with disbelief. Same with her sister and step mother who is now trying to stop the tears but the guilt was in her eyes.

"An old woman helped me. She built me back and help me. She made me strong physically, emotionally, and psychologically. At ikaw!" Dinuro niya ng baril ang direksyon ng ama. Ikaw na nagsasabing ama ko, nasaan ka? Andun ka sa kandungan ng walang puso mong asawa at nagpapakaligaya! Naalala mo ba ako? Naalala mo ba ang panganay mo kahit minsan? Naisip mo ba kung ayos lang ako o kung buhay pa ba ako?"

"Hindi di ba? Kase kung Oo, baka matagal niyo na akong hinanap." singhal niya pa. "Kaya umalis na kayo dito sa pamamahay ko bago magdilim ang paningin ko sa inyong dalawa." Mariin niyang utos habang derekatang nakatutok ang baril niya sa ama at sa madrasta.

"M-myra..."

"Guard!" Gigil na sigaw ni Vladimyr, umalingawngaw sa buong kabahayan ang galit na tinig ni Vladimyr. Humahangos naman na pumasok ang limang tauhan niya. Bakas ang matinding pangamba sa mga mukha.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.