Chapter 15; Helpless
Hindi alam ni Vlad kung darating si Ethan agad, pero nasisisguro niyang darating ito. Kilala niya ang ugali ni Ethan. Pagdating sa mga importanteng bagay, hindi ito nagdadalawang isip kumilos sa abot mg kaniyang makakaya. Sinipat ni Vladimyr ang isa pang baril na hawak niya. May ilan pa itong natitirang bala. Sapat pa para protektahan ang sarili at kasama niya, ng sandaling panahon.
Muling ibinalik ni Vladimyr ang magazine ng baril at ikinasa habang alerto na nakamasid ang kaniyang mga mata sa paligid.
Ayaw niyang maupo nalang doon at maghintay sa wala.
Habang tumatakbo ang bawat minuto, lalong nanganganib ang buhay ni Lisa kaya kailangan niyang maka alis sa lugar na ito agad.
Hinubad ni Vladimyr ang kanyang suit saka pinasuot kay Lisa, dinampot niya ang isa sa mga baril at walang pag aalinlangan lumabas mula sa pinagtataguan nilang tatlo. "Malia move!"
Malakas na utos ni Vladimyr kay Malia habang nakatutok ang dalawang baril sa harapan. Agad inakay ni Malia si Lisa na noon ay parang ng kandilang nauupos. Namumuti na rin ang labi nito at halos di na maka galaw. As Vladimyr trying to protect her ladies, nakita niya kaagad ang biglang paglitaw ng ilang kalaban mula sa kabilang dulo ng lobby.
Sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid, dahilan para maka agaw ng atensyon ng iba pang natitirang kalaban na hinahanap sila. Kaagad na inalalayan ni Vladimyr si Malia papunta sa hagdan pero biglang sumulpot sa paanan nito ang ilang lalaki at agad silang tinutukan ng baril.
Agad na kinalabit ni Vladimyr ang gatilyo ng isang baril na hawak niya. Ngunit wala nang balang lumabas doon kaya wala siyang nagawa kundi ang paatrasin sina Malia habang siya naman ay sinalubong ang mga kalaban. Vladimyr strode towards the number of men coming, giving an extreme swing of the blade from the tip of her shoe.
Yes, her shoe has a blade attached on it. Strong enough to cut a flesh. Its one of Noah's gifts for her.
As Vladimyr's blade reached the men coming, few of them yelp in pain after receiving a deep cut from their body followed by a thick gush of blood spurting from the wound. While the others stepped back in surprise. Vlad does the swift and unpredictable strikes of her punches aiming the center of their chest and the valley of their neck with a brute-fatal blow.
The men instantly fell writhing in pain down the floor, Vlad, then picked the guns and shot their thighs to immobilize them and she left-following her ladies.
"Malia!"
Kaagad na humabol si Vladimyr sa dalawa para tulungan ang mga itong maka alis.
"Lets go!" Wika niya. Bahagyang nakahinga ng maluwag si Vladimyr dahil nabawasan na ng marami ang kalaban. Pero batid niyang hindi pa ito tapos. Kaya hindi pa siya pwedeng makampante.
"Doon tayo!" Aya niya habang tinutulungan si Malia na akayin si Lisa.
Kahit mabagal ang kanilang lakad, dahil iniingatan din nina Vladimyr at Malia si Lisa, sinikap nilang makalayo sa mga pinanggagalingan ng mga kalaban upang itago si Lisa.
Handa si Vladimyr na harapin mag isa ang mga ito tutal sanay siya sa ganito. At alam ni Lisa iyon.
Sa gitna ng pagmamadali nilang tatlo na makalayo, agad na natigilan si Vladimyr matapos makarinig ng matinis na tunog ng bakal na bumagsak sahig at ang tunog ng mabilis na paggulong nito papalapit sa kinatatayuan nila. Sabay silang napatingin sa matining na tunong ng kung ano ang metal na malapit sa kanila.
"Grenade!"
Mabilis pa sa segundo ang kilos ni Vlad na dinampot ang bagay na iyon sabay bato pabalik sa mga lalaking naghagis nito sa kanila. "Run!"
Nagmamadaling tumakbo sina Vladimyr palayo ng lugar na iyon sa abot ng makakaya nila ngunit di pa man nakakalayo ay isang nakakabinging pagsabog ang dumagundong sa buong gusali at nag payanig sa kabuuan nito. Sa lakas ng impact ng pagsabog ay tumilapon sina Vladimyr at nagpagulong gulong palayo hanggang sa sabay sabay silang nahulog sa tumpok ng mga sako ng buhangin at mga kahoy mula sa 2nd floor ng lumang building. Ahh!
---
"Medica!"
She suddenly heard a familiar male voice yelling a command from the bottom of his throat as her head felt like spinning in a coaster.
Her head hurts.
Her back hurts.
All of her body is unexplainably hurting. She felt her bones breaking in every single inche-move. Even her breathing is a massive struggle. She can't move without feeling' the cracking of her bones. Parang sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit niyon at wala siyang ibang marining kundi ang matinis na ugong sa paligid.
"Ahhh" impit niyang sigaw hawak ng mahigpit ang ulo at na mamaluktot sa semento.
"Argh!"
Gustong isigaw ni Vladimyr pero kahit ang lalamunan niya ay napaka sakit. Nakakabaliw ang sobrang kirot nito. Pakiramdam niya pinipitpit ang bungo niya. Maya maya pa ay nararamdaman niya ang mga bisig na maingat na bumuhat sa kanya.
"Ethan?"
Nanginginig ang labi niyang sambit pero walang boses na lumabas. Naramdaman niyang pag gaan niya sa ere at ang paglapat ng likod niya sa malambot na higaan. Wala siyang marinig pero batid niya ang pagkakagulo sa paligid.
Naroon si Ethan at ang iba nitong tauhan. May mga ambulansya din itong kasama.
Bigla nyang naalala.
Lisa?..... si Lisa!
At si Malia?
Nagpalinga linga si Vladimyr sa abot ng kaya niyang kilos dahil sa bawat katiting na galaw, ay parang pakikipaglaban.
Pinilit niyang bumangon kahit halos ika-panaw ng malay niya sa sobrang hirap at kirot noon; para hanapin ang dalawa niyang kasama.
Lisa!
Malia!
"Sige! Bilis ang kilos!"
Sigaw ni Ethan sa mga nahuling kriminal. halos karamihan dito ay mga iika-ika dahil sa tama ng baril sa mga hita.
Hindi siya makapaniwalang muntik na siyang mahuli.
Ilang metro nalang ang layo nila sa location ng bigla silang magulantang sa lakas ng pagsabog mula doon kaya pina harurot niya pa ang sinasakyang police mobile. Tamang tama na dumating sila, nakita nila sila Vladimyr na naka bulagta sa semento. Duguan at sugatan.
Kaagad niyang pina kilos ang medics para asikasuhin sila Vladimyr bago pa maubusan ng dugo ang mga ito.
Parang pinipiga ang puso niya nang makita niya ang kalunos lunos na lagay ni Vladimyr. Halos maligo na ito sa sariling dugo at di na magawang gumalaw. May malalalim din na sugat sa iba't ibang parte ng katawan at ang tenga niyang walang tigil sa pagdurugo. Agad niyang binuhat si Vladimyr at inilagay sa stretcher para ma-asikaso kaagad.
Bago hinarap muli ang mga nahuling kriminal.
15 men, hit in their thighs while 20 of them died from the explosion and the others, head shots.
"Malia!" "Lisa!"
Napalingon si Ethan matapos marinig ang pag tawag na yon ni Vladimyr. Kaagad niya itong inalalayan dahil gusto nitong tumayo mula sa stretcher, di alintana ang mga tinamong bali at sugat sa katawan. "Vladimyr, calm down"
Awat ni Ethan dito. At pilit na pinahihiga ng maingat.
Tumingin si Vlad sa kanya mg may nagtatanong na tingin. He knew what she want to ask and so, he didn't make it long.
"We have them now, Vlad"
Masuyo niyang sabi dito. Agad naman kumalma si Vladimyr pagkatapos mabasa ang buka ng bibig ni Ethan. Di niya marinig ang sinasabi nito kaya sa buka nalang bibig naapektuhan yata ng pagsabog ang pandinig niya. tumango si Vladimyr at di na mauulit pa. Lalo na at nakita niyang nakahiga na rin si Lisasa at Malia sa magkahiwalay na stretcher. May oxygen support na nakakabit sa mga ito.
Nakahiga na rin kahit paano ng maluwag si Ethan nang makitang kumalma na si Vladimyr. Kinabitan na ito ng male nurse ng oxygen support habang inaayos ang iv na kinakabit sa kamay ni Vladimyr.
Halos magsisi siya dahil muntik na niyang hindi maabutan ng humihinga si Vlad. Mabuti nalang at walang masyadong traffic isa pa dahil sa emergency siren nila.
Pero ang mga tinamong sugat nito mula sa pagsabog at ang tama nito ng baril sa balikat at tagiliran.
Hindi itatagal ng buhay ni Vlad kung mas nahuli pa sila ng dating.
Bigla niyang naalala ang ginawa ng asawa. Siguro tumawag si Vladimyr pero ang nakasagot ay si Gazali. Nakalimutan niya kase ang cellphone niya sa opisina dahil sa pagmamadali. At ito agad ang naganap.
Pinangako ni Ethan sa sarili na hinding hindi na niya iiwan ang telepono lalo na kung nandyan ang asawa niya.