The Trouble With Good Beginnings

Chapter 4



"DEAR Miss Emily,

I need your advice. Meron po akong nakilalang lalaki. We've been seeing each other for months now. Nag-clicked po kami. Nagkakasundo po kami sa maraming bagay. We kissed, we hug and we bond like the normal couples. But the problem is, we are not a couple.

Mahal ko na po siya. Mahal na mahal. Pero hindi ko po alam kung saan ako nakalagay sa buhay niya. Natatakot naman po akong magtanong. Because I'm afraid I might get a different answer. Ano po ba ang gagawin ko? -Leslie

Marahas na napabuga ng hangin si Holly matapos niyang mabasa ang tanong na iyon ng isa sa mga mambabasa niya sa facebook page niya kung saan siya naglalahad ng opinyon sa mga tao. Paraan niya iyon para maabot pati na ang mga readers niya mula sa malalayong lugar. Doon siya nagpapayo at kadalasan ay nakikipagpalitan ng kuro-kuro o kaya ay nakikipagkulitan sa mga ito tungkol sa iba't ibang bagay sa pag-ibig o sa iba pang aspeto ng buhay para mas lalo siyang makilala ng mga ito at ganoon rin siya sa mga ito.

Ilang sandaling napatitig si Holly sa screen ng laptop. Mayamaya ay para bang may sariling isip ang mga daliri na nagtipa sa keyboard.

"That's the problem when you fell first, Leslie. Dahil nga mahal mo siya, kusa kang tatalon sa isang bagay na walang kasiguruhan, kusa kang papasok sa isang relasyon na walang pangalan. Nahulog ka na. You're trapped. You can't get out. That's why you start to seek for an assurance that someone will join you in that place. I get you. Nakakatakot nga namang mag-isa sa isang lugar. At tama ka, mahirap nga ang magtanong. Ano bang dapat gawin? Hindi ko rin alam. Dahil pareho lang tayo. I wish... we could be saved, though.

Matapos i-click ang send button ay isinara na ni Holly ang laptop. Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagpunta sa veranda. Napatingala siya sa kalangitan. Hinayaan niyang tangayin ng pang-umagang hangin ang nakalugay niyang buhok. Napangiti siya sa natanaw na papasikat na araw. Bahagyang nawala ang bigat sa kanyang dibdib.

Napahugot si Holly ng malalim na hininga pagkatapos ay mas lalo pang itinaas ang mukha at marahang pumikit. Napakagandang pagmasdan ng pagsikat ng araw, parang si Aleron. Pero habang tumatagal iyong tingnan ay mahapdi na sa mga mata, gaya rin ni Aleron sa ibang paraan. He was so beautiful to look at. At humahapdi hindi lang ang mga mata niya kundi pati ang puso niya dahil hindi niya alam kung iyong kagandahang iyon ay may pag-asang mapapasakanya.

Hindi na bagito sa pagmamahal si Holly kaya kabisado niya na ang nararamdaman. Sa palagay niya, iyon ang dahilan kung bakit kahit paano ay epektibong manunulat siya. Una siyang nahulog kay Cedrick. Nakatira ito malapit sa mansyon ng mga magulang niya. Tatlong taon ang tanda sa kanya ni Cedrick pero hindi naging hadlang iyon para mapalapit siya rito dahil isa ito sa pinakamabubuting lalaki na nakilala niya.

Ang ama ni Cedrick ay ang bise-presidente sa Lejarde Hydro Power Corporation kaya malapit rin ang buong pamilya nito sa pamilya ni Holly. Ang binata ang siyang tagasundo pa nila noon ni Hailey sa eskwela mula elementarya hanggang sekondarya. Nahinto nga lang iyon noong mag-aral ang binata sa ibang bansa.

Bumalik si Cedrick sa Pilipinas kulang dalawang taon na ang nakararaan. Isa na itong matagumpay na doktor. Si Cedrick ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa puso ni Holly. Disi-sais anyos pa lang siya bago pa man tumuloy sa Amerika si Cedrick ay minahal niya na ito. Ang akala niya sa pagbabalik nito sa Pilipinas noon ay may pag-asa na siya dahil napapansin hindi lang ni Holly kundi pati ng mga magulang niya ang kakaibang atensyon na ibinibigay sa kanya ng binata.

Pero si Hailey ang siyang naging girl friend ni Cedrick. Nangyari iyon wala pang tatlong bwan matapos makabalik sa bansa ng binata, noong dumating na si Hailey mula sa New York. Nasaksihan ni Holly ang dalawa na naghahalikan sa hardin ng mansyon nina Cedrick. Saka niya lang natuklasang may relasyon na pala ang mga ito.

Ang alam niya ay nagkahiwalay rin sina Cedrick at Hailey pagkalipas ng ilang bwan. Sa kabila niyon ay iniwasan niya na si Cedrick sa kabila ng pagdalaw-dalaw nito sa kanya sa mansyon. Dahil bukod sa nasaktan ay paraan niya na rin iyon para gisingin ang sarili dahil naunawaan niya nang ang mga babae na tulad ni Hailey ang gusto nito. At wala siyang panama sa istilo ng kakambal. Hindi siya glamorosa, hindi siya sopistikada.

Nangako si Holly sa sarili na saka na lang ie-entertain ang mga pagtawag-tawag sa kanya ni Cedrick sa oras na maghilom na ang puso niya. Ayaw niya nang umasa. Siguro ay sadyang mabait lang talaga ang binata sa kanya at kaibigan ang turing sa kanya kaya bawat importanteng okasyon sa buhay niya ay lumilitaw pa rin ito at nagreregalo ng kung anu-ano.

Dahil sa mga magulang ay nanatili siyang romantiko, nanatiling positibo ang pananaw niya sa pag-ibig at pakikipagrelasyon. Naniniwala siyang may inilaan ang Diyos para sa lahat ng tao. At siguro ay hindi si Cedrick ang nakalaan para sa kanya.

Inisip niyang si Aleron na ang lalaking iyon nang makilala niya ang binata dahil tulad ng kwento ni Leslie, ang letter sender niya sa araw na iyon, ay magkasundo rin sila ni Aleron-sa palagay niya. Isa itong ganap na prince charming. Gwapo, mabait, may pinag-aralan at higit sa lahat ay naiintindihan ang uri ng propesyon ni Holly. Tinatangkilik nito ang mga gawa niya. Hindi nito kinukwestiyon ang mga paniniwala niya na nakalahad sa mga nobela niya. Halos katulad ito ni Cedrick na suportado ang pagsusulat niya. Iyon ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.

Sa nakalipas na mga linggo ay madalas silang magkasama ni Aleron. Araw-araw ay sumusulpot ang binata sa bahay niya. Magkasabay silang kumakain, magkasama silang namamasyal o 'di kaya ay tumatambay ito sa bahay niya, nanonood kasama siya o kaya ay pinapanood siya habang nagsusulat. Komportable siyang kasama ang binata.

Napag-alaman ni Holly na board member si Aleron sa isang sikat na shopping mall chain at ayon rito ay kasalukuyan itong naka-leave sa trabaho. Para itong isang panaginip. Sino ba namang mag-aakala na may gaya nito na mala-Adonis na magbabasa ng gawa ng tulad niya samantalang wala iyon sa itsura nito? Pero araw-araw niyang napapatunayan na totoo ang bagay na iyon dahil kinaaaliwan niya ang parating pagtatanong rito tungkol sa mga nobela niya dahil gustong-gusto niyang naririnig ang pagsagot nito. At isa man sa mga tanong niya ay hindi pa ito pumapalya.

Nasira ang schedule niya sa pagsusulat nang dahil kay Aleron. Wala na siyang eksaktong oras para sa pagtatrabaho dahil may mga pagkakataong kahit gabi na ay nasa bahay niya pa rin ito o 'di kaya ay nasa labas pa sila at namamasyal sa kung saan-saan. Pero wala siyang reklamo dahil gustong-gusto niyang kasama ang binata. He would kiss her whenever he wanted to, he would embrace her and hold her hand every time. Pero hindi niya alam kung anong tawag sa kanilang dalawa.

Walang indikasyon na nanliligaw sa kanya ang binata dahil wala naman itong sinasabi. Mukhang ni wala sa bokabularyo nito ang pagbibigay ng tsokolate o bulaklak. At nalilito na si Holly. Kung mambabasa niya ang binata, hindi ba't dapat ay may ideya na ito kung ano ang hinahanap niya lalo sa isang relasyon na malayo sa hindi niya mapangalanang estado nila ngayon?

"Wala ka bang sasabihin?" Naalala niyang tanong niya sa binata noong nagdaang gabi habang nasa Antipolo sila sa over-looking view roon. Niyaya siya nito roon pagkatapos nilang kumain sa isang French restaurant na siyang paborito umano nito. Nakayakap ito mula sa kanyang likod at pinapaulanan ng halik ang kanyang leeg. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na lakas-loob na siyang nagtanong kay Aleron.

"Tulad ng?" Ganting-tanong ng binata.

Bumagsak ang mga balikat ni Holly. "Wala. Wala naman. Forget it."

Tama ang letter sender niya. Mahirap ang magtanong lalo na kung hindi ka handa sa maririnig mong sagot. Still, Holly knew in her heart that she would still allow herself to be kissed by him and to be held by him because she had fallen for him. Masaya siya, walang duda. Pero natatakot na siya dahil mas malalim at mas matindi ang damdamin niya ngayon kay Aleron kaysa sa naramdaman niya noon para kay Cedrick.

Tunay ngang pagmamahal rin ang makapagpapagaling sa isang sugatang puso. Dahil pinagaling ng pagdating ni Aleron sa buhay niya ang puso niya. Pero ganoon na lang ang takot niyang umasa at masaktan na naman. Kung sana gaya ng isinusulat niya ay kaya niya ring kontrolin ang takbo ng buhay niya. Pero hanggang sa nobela lang ang kapangyarihan niya. Ah, the story of my life! Dalangin niyang sana ay magawa ring magbukas ng sarili nito sa kanya si Aleron. At sana, sa oras na mangyari iyon ay buksan rin nito ang puso nito. Nakahanda naman siyang maghintay. "Holly, sweetheart!"

Napadilat si Holly nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sa pagbaba niya ng mga mata ay nakita niya si Aleron na nakatayo sa tapat ng gate niya. Kumabog ang kanyang dibdib. Nakakunot ang noo ng binata nang mga sandaling iyon habang nakatingala sa kanya sa veranda. Hanggang ikalawang palapag ang mga townhouses roon at sa itaas ay may mga balkonahe roon kaya madali para sa mga kalapit- bahay nila ang makita ang isa't isa sa pamamagitan niyon.

Napangiti siya. Kay gwapo talaga ng mahal niya. Mayamaya ay natigilan siya. Did he just call her sweetheart?

"HEY, is something wrong?" Ayaw man ni Aleron ay nakadama siya ng pag-aalala nang makitang lumuluha si Holly sa tapat ng laptop nito. Nanggaling lang siya sandali sa kusina nito para kumuha ng maiinom nila pero pagbalik niya ay nagkaganoon na ito.

Sa ilang ulit na pagmamasid niya sa dalaga sa tuwing nagsusulat ito ay na-realized niyang tunay ngang may passion ito sa ginagawa. Para itong lumilikha ng sariling mundo nito. Kahit anong pagkausap niya rito ay hindi ito sumasagot. Kaya nakuntento na lang siyang pinapanood ito dahil mahirap itong gambalain sa oras ng trabaho nito.

lyon ang isang bagay na hindi nakasulat sa diary ni Athan, na tuwing kaharap na ni Holly ang laptop nito, pakiramdam niya ay milya-milya na ang layo nila sa isa't isa. Doon niya nakikita ang isa pang bahagi ng pagkatao nito. Mayamaya ay napailing siya. Gaano kaya karaming pagkatao mayroon ang isang ito?

Ibinaba ni Aleron ang tray sa center table at nilapitan si Holly. "May nangyari ba?"

Humila si Aleron ng upuan para makapwesto sa tabi ng dalaga. Pinunasan niya ang mga luha nito. Ayaw niya mang aminin ay naapektuhan siya sa pagluhang iyon ni Holly. Kahit na hindi niya alam kung totoo ang mga iyon. Sa nakalipas na mga araw ay napatunayan niyang tama si Athan. Masarap kasama si Holly. Masayahin ito, palabiro, parating may ngiti sa mga labi at napakapositibo ng pananaw sa mundo. Bukod pa roon ay magaan itong kausap, matalino rin ito at malambing.

Too bad, those were just her tactics to lure a man. At doon siya nahihirapan. Alam niya na ngang taktika lang iyon ni Holly ay naaapektuhan pa rin siya. Heck.

"Bakit ka umiiyak?" Nasorpresa si Aleron nang naniningkit ang mga matang hinarap siya ni Holly.

"Bakit ka lumapit? Nasira tuloy ang momentum ko." Bakas ang pinaghalong inis at frustration sa magandang mukha ni Holly. "My favorite character in the story just died. It was heartbreaking that's why I couldn't help but cry. Pero sinira mo ang moment."

Nabigla si Aleron. "Pero-"

"Go and just make yourself busy for a while. Matatapos na rin naman ako. Ililibing ko pa siya."

Muling namangha si Aleron. "Sino?"

"Iyon ngang lalaking namatay sa nobela ko, ililibing ko pa." Para bang nagtitimpi na lang na sagot ng dalaga. Ilang sandali pa ay humarap na itong muli sa monitor.

Mayamaya ay nakita ni Aleron si Holly na lumuha na naman. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya ito nilapitan dahil para itong tigre na handang manlapa ng tao nang lapitan niya ito kanina. Nang ma- realized sa wakas ang sitwasyon ay unti-unti siyang napangiti na nauwi sa malakas na pagtawa. Hindi pa siya nakakatagpo ng tulad ni Holly. Ilang sandali pa ay nilingon siya ng dalaga.

"Bakit ka tumatawa? Ang ingay-ingay mo." Namumula pa ang ilong at mga pisngi dulot ng pag-iyak na asik ni Holly.

Hirap man ay pinigil ni Aleron ang pagtawa. Nangingiti pa ring itinaas niya na lang ang mga kamay tanda ng pagsuko. "I'm sorry. Please proceed. Ituloy mo na ang pagpapalibing sa kung sinumang namatay na 'yan."

Holly was weird but in a very amusing way. Mayamaya ay natigilan si Aleron sa naalala. Did he just compliment his enemy? Nahinto siya sa pag-iisip nang makita ang pagkaway ng dalaga mula sa balkonahe nito. Napakasarap nitong pagmasdan nang mga sandaling iyon. Ang buhay na buhay na ngiti nito ay sapat na para mabuo ang araw ng mga nakapaligid rito.

Naka-oversized Mickey Mouse shirt lang si Holly na umabot hanggang sa kalahati ng mga hita nito pero sapat na iyon para maglakbay ang malikot na imahinasyon ninuman dahil mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw niya pa rin ang magaganda at mahuhubog na mga hita nito. At iyon ang problema. Dahil hindi lang siya ang nakakakita ng napakagandang imahe na iyon kundi pati na ang ilang kalalakihan na paglabas pa lang ni Aleron ng gate ng bahay niya ay nahuli niya nang mga nakatingala sa balkonahe ni Holly.

Apat ang tulad ni Aleron na nasa tapat ng gate ng dalaga. May isang nagbi-bisikleta pang literal na huminto habang ang iba naman ay para bang nag-jogging at napadaan lang sa kalyeng iyon. That beauty was supposed to be just for his eyes only.

"May boyfriend na pala, pare. At kapit-bahay lang." Narinig ni Aleron na bulong ng isa sa mga lalaking nasa likod niya. Matalim na tinitigan niya ang mga iyon. Isa-isa namang nag-alisan ang mga ito. Bumalik ang mga mata ni Aleron kay Holly na para bang siya lang ang nakikita nang mga sandaling iyon. Sumenyas itong bababa. Tumango siya at naghintay na sa gate nito. Ilang sandali pa ay nasa harap niya na ang dalaga. Nahigit niya ang hininga nang makita ito sa malapitan. Sa pagmamadali siguro ay nalimutan na nito ang maglagay ng sapin sa mga paa.

Ikinulong niya ang mga pisngi ni Holly sa kanyang mga palad. Kung tutuusin ay malayo ang dalaga sa mga tipo niya. Mas pipiliin niya pa nga ang kakambal nitong si Hailey dahil nakita niya ang litrato niyon sa bahay ni Holly. Glamorosa, elegante at sopistikada, iyon ang mga uri ng babaeng dumaan sa mga palad niya noon. Pero iba si Holly. Bahagya pang magulo ang buhok nito. Gaya ng dati ay hubad sa anumang make-up ang mukha nito.

Pero alam niyang sa oras na ihanay niya ang dalaga sa mga naka-date niya na noon ay mangingibabaw pa rin ito. Dahil ang kasimplehan nito ang siyang higit na nagpapakinang rito. "Good morning!" Masiglang bati ni Holly sa kanya.

Idinikit niya ang noo sa noo ng dalaga. "Next time, 'wag ka nang tatambay sa balkonahe nang ganyan lang ang suot mo. I'm possessive, Holly. Ayokong nakikita ka ng iba na ganyan. Dapat ako lang." "Really?" Parang masaya pang tanong ni Holly.

"Yes." Bulong ni Aleron.

"Wow, that's progress-"Hindi niya na pinatapos pa ang mga sasabihin nito. Sinakop niya na ang mga labi nito. Sa isang iglap ay bumalik ang pamilyar na init sa puso niya, init na si Holly lang ang nagbigay sa kanya. Sa kabila ng lahat, kailangan niyang aminin na sa mga halik na iyon siya pansamantalang nakakanakaw ng kasiyahan, kasiyahan na kung ang paghihiganti niya ang pagbabasehan ay ipinagbabawal. Nang tumugon si Holly sa halik niya ay mariing naipikit ni Aleron ang mga mata. God, if only Holly was real. Bigla rin siyang napamulat nang maglaro sa isip niya ang wala nang buhay na anyo ng kapatid. Naghirap ang kalooban niya. Bumitaw siya sa dalaga. Ano bang nangyayari sa kanya? Kapatid niya ang ipinaglalaban niya roon pero hayun siya at nagpapatangay sa isang halik.

"Aleron?" Nagtatakang tanong ni Holly.

Hindi siya nakaimik. Frustrated na naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha.

"Aleron, mahal kita."

Gulat na napatitig siya sa dalaga. Bumilis ang pagtibok ng puso niya. "What did you say again?"

"I said I love you." Mas malakas na sinabi ni Holly. Bumakas ang sinseridad sa mga mata nito.

Gusto niyang matawa. Sinseridad? Paano naman matitiyak ni Aleron ang bagay na iyon? May kapasidad ba talagang magmahal ang babaeng nasa harap niya? Ang mga ganoong salita rin ng pagmamahal ang sinabi nito noon sa kanyang kapatid. Pero buhay ni Athan ang nawala nang dahil sa pagmamahal na iyon. Shit.

Kumuyom ang mga kamay ni Aleron. Pakiramdam niya ay lalo pang dumoble ang sakit sa puso niya. Nag-ulap ang mga mata niya. Ang daya ng mundo. Siya na lang parati ang pinagbabalingan. Shit talaga. Tinalikuran niya na si Holly. Bumalik siya sa bahay niya. Kinuha niya lang ang susi ng kanyang sasakyan pagkatapos ay muling lumabas.

Sumakay siya sa kotse at pinaharurot iyon palayo. Pero bago siya tuluyang nakalayo roon ay hindi nakaligtas sa kanya ang pagpunas ni Holly sa mga mata nito, palatandaan ng pagluha nito. Nakita niya iyon sa side view mirror. Parang nakikipagkarerang lalo niya pang binilisan ang pagmamaneho.

What is wrong with the world, Athan? Why is it always against us? Bakit ba parati tayong nasasaktan?☐☐☐☐


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.