The Crazy Rich Madame

Chapter 75: The better way to do.



Nagtatagis ang mga ngipin ni Lucien habang pinipilit itago ang sakit na nararamdaman sa puso niya. Ayaw niyang ipakita kay Casper ang bahaging iyon ng pagkatao niya. Ang pagiging malambot.

Hindi pa siya muling nakaramdam ng ganito kasakit na sa puso niya. Mula ng mamatay ang kakambal niyang Luvien, pero ngayon, mas malala pa itong nararamdaman niya. Para bang triple ng sakit ito ng malaman niyang wala na si Luvien. Ngayon hindi lang puso niya ang nadudurog, kundi pakiramdam niya pati ang tahimik at maayos niyang mundo na binigyang kulay mismo ng pagdating ni Vladimyr ay nawasak sa isang iglap. At nahuhulog siya pabalik sa kailaliman ng walang buhay niyang mundo.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Cas...mababliw na yata ako..." Nanlalambot niyang sabi habang hawak ang isang bote ng beer sa isang kamay at nakatingin pa rin sa malayo.

Tahimik lang na nakikinig si Casper sa amo niyang naglalabas ng bigat ng damdamin hanggang sa matahimik ulit ito at marinig niyang pigil na hikbi.

Doon niya lang talaga napagtanto na talagang nasasaktan ang amo niya sa mga nangyayari sa kanila ni Vladimyr.

"Ganyan talaga sa pag-ibig sir. Hindi mo maiiwasan na masaktan. nasasaktan ka kasi mahal mo si ma'am Vladimyr...pero, Hindi kaya, hindi lang kayo nagkakaintindihan ni ma'am?" ani Casper na tunog suhestyon. Nakakunot noong nilingon ni Lucien si Casper., na may nagtatanong na tingin.

"Opinion ko lang naman ito sir, kasi tingin ko kay maam Vladimyr, hindi siya yung tipo ng taong hindi magsasabi kung hindi mo tatanungin."

Napaisip din si Lucien sa sinabi ni Casper. Alam niya sa sarili niya na kahit kailan hindi siya nagtanong kay Vlad ng tungkol sa sarili nito. Ang alam niya lang ay ang mga naririnig niyang sinasabi ng mga anak nito na hindi rin niya sinusubukan bigyan ng pansin.

Isa pa, hindi rin niya kayang alamin pa lalo na at hindi pa siya handang harapin ang mga pamangkin niya kapag nalaman ng mga ito na hindi talaga siya si Luvien siguradong masasaktan ang mga bata.

Nang marinig niya ang katotohanan noong magtalo si Vlad at si Mama Rose, doon niya lang naintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya tuwing magkasama sila ng mga kambal. Ang 'lukso ng dugo'

"Her eldest child which is a twin, is my brother's child." Pag-amin ni Lucien., sabay tungga sa bote ng beer hanggang sa maubos niya ang laman nito.

Ramdam niyang nagulat si Casper sa sinabi niya pero hindi niya nilingon ito. kumuha pa siya ng isang boteng beer, binuksan iyon at saka nilagok.

"Kung ganun pala sir, pamangkin niyo ang kambal?"

Tipid na tumango si Lucien, "Yes, but..." He said then shift his gaze to the other way, "I didn't tell them the truth about me..." Malungkot niyang sab. "Hindi ko magawang sabihin sa kanila ang totoo, Cas... na hindi ako si Luvien..." mabigat ang kalooban niyang sabi.

"Naku paktay tayo dyan sir! Paano kung malaman nila ang tungkol sa inyo, sir?"

"I don't know what to do, Cas..."

"Siguro Sir hanggat maaga sabihin niyo na. Ayusin niyo na ang problema bago pa lumala ang problema sa pagitan niyo ni ma'am Vladimyr. Mas mabuting sa inyo na nanggaling ang totoo kesa sa iba."

"Paano ko ba sisimulan? kapa inamin ko ang totoo masasaktan ang pamangkin ko., kapag nalaman nilang wala na ang tunay nilang ama. The fact that they didn't even know that Luvien had died long time ago..."

Mariing naikuyom ni Lucien ang kamay at marahas na bumuntong hininga. Upang ilabas ang pinipigilan niyang bigat sa dibdib.

"Siguro nga mas mabuting maghiwalay na nga lang kami ng landas habang maaga pa." aniya. "Tama lang na nangyari ang bagay na ito sa ating dalawa. hudyat na ito upang itigil ko na ang kabaliwan ko..." "Paano ang paghihiganti mo sir?"

"Hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba ang planong iyon, Cas. marami na akong mga nalaman na nagpabago ng mga dati kong pinaniwalaan. Isa pa, hindi ko kayang saktan ang mga pamangkin ko." "Sila nga ba ang dahilan sir?"

"What do you mean?"

"Sir, hindi ako bulag para hindi makita na baliw na baliw na kayo kay ma'am Vladimyr." Wika ni Casper. "Kung sa bagay sino ba naman ang hindi mababaliw sa isang tulad ni ma'am Vladimyr? Maganda, matapang, sexy at higit sa lahat mayaman." Nanunuksong sabi ni Casper sabay tungga sa bote ng beer nito sa nangingiting nag-iwas ng tingin.

Tinapunan ni Lucien ng matalim at nagbabantang tingin si Casper bago siya nagsalita,"Sawa ka na ba mabuhay Casper?" Madilim ang mukha na banta ni Lucien.

Biglang nawala ang ngiti ni Casper at napalitang ng panlalamig at napapalunok na yumuko.

"B-biro lang po sir. Gusto ko lang namn pangitin kayo. Halata naman kasi na mula ulo hanggang talampakan ang pagmamahal niyo kay ma'am Vladimyr, kaya bakit niyo siya tinitiis?"

Biglang nawala ang tapang ng mukha ni Lucien dahil sa sinabi ni Casper. Ang totoo, nasapol nito ang pride niya kaya mas pinili na lang niyang tumahimik.

Napaisip din si Lucien kung ano na nga ba ang ginagawa ni Vladimyr sa mga oras na ito. Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano. At sino sa tatlong mga lalaking iyon ang kasama ni Vladimyr sa mga oras na ito., kung ano ang mga posibleng ginagawa nila?

Mariing nahawakan ni Lucien ang bote ng beer nang hindi niya napapansin dulot ng bugso ng galit at matinding selos na nararamdaman niya.

Nagulat na lang sila ni Casper nang biglang mabasag ang bote sa kamay niya at aga himiwa sa pala niya ang mga bubog na hinayaan niyang malaglag sa ibaba., kasabay ng mga dugong umaagos sa mula sa sugat. "Susmaryosep Sir!" Nag-aalalang sambit ni Casper.

"dyan ka lang sir. Ikukuha kita ng gamot!" Agad tumayo si Casper mula sa pwesto nito upang kumuha ng gamot. Pero agad din siyang inmawat ni Lucien at pilit na pinabalik sa pwesto.

"Stay there." Maotoridad na utos ni Lucien.

"Pero Boss dumudugo ang Sugat mo!"

"Ayos lang ako. Malayo ito sa bituka. Sanay na ako masugatan."

Napakamot ng batok si Casper at walang nagawa kundi maupo muli sa pwesto nito. "Parang hugot yon Boss ah!"

"Dyan ka lang kapag umalis ka dyan hindi ko ibibigay ang sweldo mo ng tatlong buwan!" Seryong banta ni Lucien. kahit ang totoo ay hindi naman talaga niya gagawin iyon.

Napailing na lang si Lucien. Ibinuhos niya ang malamig na beer sa Dumudugo na sugat sa palad at hinayaan niyang tangayin ng beer ang dugo paibaba at maibsan ang kirot sa sugat. Bahagya na nagpamanhid ng lamig ang sugat. Kumuha siya ng yelo mula sa Ice box at mariiring hinawakan iyon para mapa-ampat ang pagdurugo. Inabutan ni Casper ng bagong bukas na beer si Lucien anagad nilagok naman niyang nilagok.

"Sir naman walang ganyanan..." Napapakamot na sabi ni Casper. pero Bumalik na rin sa pagkakaupo nito sa gutter ng rooftop.

"Takot ka pa lang hindi maka-sweldo..."

"Sweldo lang yan Sir... Mas nakakatakot ang galit ng asawa ko kapag wala akong naiuwing sweldo sa bahay..." Napapakamot sa batok na sa sabi ni Casper.

Naiiling na tinawanan ni Lucien si Casper saka kinuha ang isang malamig na bote ng beer. binuksan itoat ibinuhos sa dumudugong bsugat niya sa palad. kumuha pa siya ng isa pa at mahigpit na hinawakan ito upang mapa-ampat kahit paano ang dugo.

"Hindi kaya na-misinterpret mo lang, sir?"

Magkasalubong na nilingon si Lucien si Casper. Lumagok ito ng beer mula sa bote saka sinalubong ang tingin niya. Napalunok ito ng kaunti dahil sa matalim na tingin ang pinukol niya sa sa huli.

"anong ibig mong sabihin?" Seryosong tanong ni Lucien, madilim ang mukha nito.

Kahit kinakabahan, sumagot na rin siya bilang isang kaibigan. Matagal na silang magkasama kaya kahit kinakabahan siya, alam ni Casper na makikinig ang Boss niya.

"Sa tingin ko, Boss, ang tipo ni ma'am Vladimyr yung hindi nagsasalita kung hindi mo deretsong tatanungin."

Napaisip din si Lucien dahil sa tinuran ni Casper. Napag-isip-isip niya na kahit minsan hindi niya sinubukang magtanong ng diretso kay Vladimyr, tungkol sa sarili nito. Tungkol sa mga ama ng anak nito. Pero naniniwala siyang kung handa na itong ibahagi ang kwento sa buhay niya, hindi na niya kailangan magtanong. Iba-iba ang ama ng mga anak nito. Gaya ng mga pamangkin niya, hindi niya magawang akuin ang pagiging ama para sa mga ito. Nag-aalala din siya na kapag nalaman ng mga bata ang katotohanan na hindi siya ang tunay na Luvien. Siguradong masasaktan ang mga ito.

Nang marinig niya ang argumento sa pagitan ni Vladimyr at Mama Rose, ngayon niya lang nalaman ang hindi magandang trato ng pamilya niya kay Vladimyr noon.

"Pamangkin ko ang kambal na anak ni Vladimyr. Anak nila ni Luvien." Walang gatol niyang sabi. Muling lumagok ng beer si Lucien mula sa bote. Ramdan ni Lucien ang pagkabigla ni Casper. Hindi niya nilingon ito. Nanatili sa kawalan ang kaniyang mga tingin. Batid ni Casper kung gaano kalalim ang iniisip ng boss niya. "kung ganun sir, talagang mga pamangkin niyo sila?"

Tumango si Lucien, "Yes, but..." he said. His gaze diverts to another way. He is frowning. "Hindi ko parin masabi ang totoo sa kanila tungkol sa akin. Iniisip nila na ako si Luvien." dagdag niya pa. May pait sa tono.

"Naku boss! Paano kung malaman nila ang tungkol doon?"

"I don't know what to do..." He sighed with frustration.

Tahimik na pinagmamasdan ni Casper ang amo sa ginagawa kahit nag-aalala talaga siya para dito. Pero alam niyang hindi din siya mananalo in kaya pinili niyang manahimik na lang.

Naiiling na tinawanan ni Lucien si Casper. Wala siyang nararadamang kahit anong kirot mula sa sugat dahil sa epekto ng alak sa katawan niya., bahagyang nitong napamanhid ang pakiramdam niya. pero hindi ang puso niyang nangungulila sa pagkalinga ni Vladimyr. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Casper.

"Alam mo sir. ang pagmamahal nakakabobo yan kahit gaano ka pa ka-talino. Kapag mahal mo nga ang isang tao, tatanggapin mo at yayakapin ang mga bagay na maganda at pangit sa pagkatao niya. Sa madaling salita, tatanggapin mo kahit ano pa siya. lalo na kung alam mo na hindi naman talaga siya nakaka-sama sa'yo at napapasaya kaniya at hindi ka niya talagang sasadyaing saktan. Kapag puso lang ang ginamit mo, may posibilidad na mapahamak ka lang. Kapag naman puro utak ginamit mo., hindi ka magiging masaya. Kaya dapat balanse ang dalawang iyan." Mahabang wika nito.

"Pero sa kaso niyo, puso ang nangingibabaw sa inyo., at wala naman masama dahil hindi naman ganun ka sama si maam Vladimyr. Mahal ka din niya sir. Nakikita ko iyon sa kislap ng mga mata niya tuwing tinitingnan ka niya ng hindi mo alam."

"At alam kong ganun din kayo sa kaniya. Kaya dapat hangga't kaya niyo pang ayusin, ayusin niyo na. Dahil ito ang tandaan mo sir, kapag ang babae ang sumuko., kahit lumuha ka ng dugo sa harap niya. Hindi mo na maibabalik ang pagmamahal na nawala."

"Saka isa pa sir, kapag ang babae iniwanan mo. Lalong gumaganda. Maaatim niyo bang may umaaligid na ibang bubuyog sa paborito mong bulaklak?" "Nagsasawa ka na ba mabuhay? Sa tingin mo ba hindi ko mahal si Vladimyr?"

"Naku kayo? hindi mahal si maam Vladimyr? Kung hindi mo siya mahal eh di sana nasa isang Pub ka na at nakikipaglampungan sa tatlong babae!" Nagsalubong ang kilay ni Lucien dahil sa tinuran ni Casper. Nagtatanong ang mga mata niyang ipinukol dito.

"Kailan ko naman ginawa iyon?" Nagdilim ang mukha ni Lucien. Kinabahan naman si Casper at napaatras.

"B-biro lang Boss. Pinapatawa lang kita kaya lang mali ang timing ko."

"Silly..." napailing muli si Lucien saka nilagok ang natitirang laman ng beer sa bote.

Muling napatingin si Lucien sa kawalan, kung saan tanaw ang munting mga ilaw mula sa lungsod ng SouthLand. Kumikislap ang mga ito na tila mga bituing bumaba sa lupa upanh aliwin ang pusong napupuno ng kalungkutan, tulad niya. Hindi maiwasan ni Lucien na isipin kung ano na ang ginagawa ni Vladimyr ngayon. Nalulungkot din kaya ito? Nasasaktan din kaya ito tulad niya?

Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ni Lucien. Nang maalala niya ang walang reaksyon na mga mata ni Vladimyr kanina. At ang mga salitang binitawan nito.

'walang kasalanan? Sino bang niloko niya?' inis niyang bulong.

"Bakit parang wala lang sa kaniya ang nangyari? Kung sinubukan niya sana na magpaliwanag, baka nakinig pa ako."

Sa sobrang inis, hindi namalayan ni Lucien na naisatinig niya ang mga salitang iyon.

"Ano naman Boss ang ipapaliwanag niya?" sabat ni Casper. Nilingon ito ni Lucien saka nagsalita,

"Gusto kong malaman kung sino ang Ethan Smith, Noah Mendoza at Leon Sy na yan sa buhay ni Vladimyr. Alamin mo yan bukas." Maotoridad niyang utos.

Kaagad sumaludo si Casper kay Lucien saka muling lumagok sa bote. Muling napatingin si Lucien sa kawalan habang naalala si Vladimyr.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.