Chapter 72: I Couldn't Hate you.
Nanlulumo at mabigat ang loob na sumakay si Lucien sa kotse niya. Hinayaan na patakbuhin iyon ni Casper paalis sa mansion ni Vladimyr. Ramdam niya ang bawat pagsulyap ni Casper habang nagda-drive pero hindi niya iyon pinansin. Hindi lingid sa kaalaman ni Lucien na nararamdaman ni Casper ang hindi magandang pagbabago ng mood niya pero nanatili itong tahimik na nag drive hanggang sa makarating sa mansyon.
Pagdating ni Lucien sa bahay niya, agad siyang dumeretso sa kwarto niya kahit na binati siya ng mga bagong katulong, dahil pinaalis na niya ang mga dati. Lalo na si Mama Rose, dahil pakiramdam niya tinraydor siya nito ng mahabang panahon. Kung hindi niya pa nakilala si Vladimyr, hindi niya pa malalaman ang mga bagay na hindi niya alam. At hindi magbabago ang isip niya na gantihan ito.
Pabagsak na nahiga si Lucien sa kama at nakatulalang nakatitig lang sa kisame.
Damang-dama pa rin niya ang kirot sa puso niya dahil sa nalaman. Pero nakokonsensya siya na pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda.
'dapat kasi nagtanong ka muna, hindi yung bigla ka na lang nagalit!'
Panenermon ng konsensya niya.
Galit siyang napamura ng ilang ulit at naikuyom ng mariin ang kamao.
"Niloko niya ako, kitang kita ko at dinig na dinig ko! Hindi ko na kailangan pang makarinig ng bagong kasinungalingan mula sa babaeng yon! Hindi!"
Gigil niyang sambit habang matalim ang mga tingin sa kisame na pa bang iyon ang kaaway niya.
"Ang kapal ng mukha niya para paikutin ako sa palad niya at gawing tanga?" Sabi niya pa na para bang may kausap.
"Ang lakas ng loob niyang sabihin na wala siyang ginagawang masama kahit kitang kita ko na ang ebidensya? Anong klase siyang babae? Daig niya pang bayaran sa ginagawa niya!"
"Pinagtanggol ko pa naman siya mula sa babaeng nanghiya sa kaniya sa mall, yun pala totoong may affair sila ng lalaking yon!"
"Friendly hug? Bullshit!" He cursed simultaneously.
Tumayo si Lucie mula sa kaniyang kama at dumeretso sa mini bar, sa living room. Kinuha niya ang isang bote ng scotch. Binuksan iyon at walang pag-aalinlangan na tinungga habang nagtatagis ang bagang sa galot at nanlilisik ang mga mata. Na nakatingin sa kadiliman ng buong palapag. Dumeretso siya sa mahabang sofa at pabagsak na naupo doon habang nilulunod ang sarili sa alak.
His tears began to fall as he remembered their moments together. Vladimyr isn't showing affection but feels how she loves him.
She's not cold, but she never fails to shake his days because of her love.
She is beautiful inside and of course, outside.
Nothing can compare to her unique personality.
"Yeah. Nothing can compare how wicked she is." He shook his head in disappointment. "Pinaikot niya lang ako. Damn it! At ako naman tanga sunod lang ng sunod!" He said and chugs from the bottle of scotch.
Ilang ulit na napaubo si Lucien nang masamid siya dahil sa init ng alak na gumuguhit mula sa lalamunan niya pababa sa sikmura at sa tiyan. Kaagad niya pang sinundan iyon ng ilang pagtungga sa bote kahit nararamdaman na niya ang pamamanhid ng kaniyang katawan at unti-unting pagkahilo.
Hinihila na rin ng antok ang mga mata niya kaya humiga siya sa mahabang sofa.
Dahil sa tama ng alak, nakikita ni Lucien ang imahe ng magandang mukha ni Vladimyr na may tusong ngiti habang tinititigan siya na parang isang katawatawa sa harap niya.
Lucien blinked his drowsy eyes trying to keep his consciousness awake, battling with the toxicity of alcohol. Until he couldn't handle the intensity of drowsiness, as his heart still aches by the truth he i just learned.
Lucien was mad and hurt by that truth.
The fact that he can't do anything to ease the pain is making it worse.
All he sees is that cunny woman who crushed his heart and pride.
But deep down his heart, he is longing for her presence, touch, kiss and love. All of her. He is longing for her insanely.
Nagtatalo ang puso at isip niya kung ano ba ang dapat niyang naging reaksyon kanina.
May bahagi ng isip niya na inuusig siya dahil hindi siya muna nagtanong bago nagalit. At basta na lang niyang inakusahan si Vladimyr ng kung ano, ayon lang sa kaniyang mga nakita.
Gayundin ang puso niyang lumuluha dahil sa naging asta niya doon. Ngayon, lahat ng sakit nararamdaman niya sa mga oras na ito, walang ibang dapat sisihin kundi siya lang.
"how stupid, idiot of you Lucien!"
His inner self mocked him angrily.
If his inner self can emerge from him, he will surely get a hit on his face to wake him up and mock him. Naiinis niyang usal na para bang may kausap. Habang nakasalampak sa mahabang sofa at umiikot ang paningin dulot ng sobrang kalasingan.
Hanggang sa mga oras na ito, ang malungkot na mga mata ni Vladimyr ang kaniyang nakikita. Aaminin niyang nahuli niya ang kislap ng lungkot at sakit sa mga mata nito kanina lang. At halos hindi mapapansin ng iba. Pero nagpadaig siya sa bugso ng galit na nararamdaman.
Nakokonsensya siya dahil sa mga salitang binitawan at nasaktan ang babaeng mahal na mahal niya.
Pero nagpatalo siya sa bugso ng galit matapos niyang marinig at makita ang lalaking naka 'friendly hug ni Vladimyr.'
Tapos malalaman niyang ama ito ng isa sa mga anak nito? At yung ibang naroon, sino sa sa dalawa pang batang lalaki ang anak ng mga iyon?
"Masisisi mo ba ako ha? Masisisi mo ba akong magalit sa'yo? Hindi mo man lang sinabi na iba-iba ang tatay ng anak mo. Tapos may lakas ng loob kang pag humarap sa akin na parang balewala lang ang mga iyon sa'yo?" Lasing na lasing niyang sambit habang namumungay ang mga mata na nakatingin sa kisame. Hawak ang isang bote ng alak at halos hindi na makagalaw sa sobrang kalasingan.
"Ikaw ang may kasalanan, nito Vladimyr! Tama lang ang nakita ko na isa kang kaladkaring babae!" Galit niyang usal hanggang sa hilahin na siya ng antok.
"hindi kita mapapatawad sa ginawa mo... Pero hindi ko kayang magalit sa'yo..."