Chapter 18
"THIS IS all your fault!" Para bang sasabog sa pinaghalo-halong sakit, pag-aalala at galit na dinuro-duro ni Carmel ang asawang si Zandro. Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang magsama sila ay nakapagtaas siya ng boses rito. Nang hindi pa makuntento ay pinagsusuntok niya ito sa dibdib. Pero nananatiling hindi ito kumikilos. Tahimik na tinanggap lang ng asawa ang lahat ng pag-atake niya rito. Kalaunan ay si Carmel rin ang napagod. Natutop niya ang dibdib kasabay ng pagbagsak niya sa malamig na sahig ng ospital. Napahagulgol siya para sa napakaraming bagay: para sa kalunos-lunos na sinapi ng nag-iisa niyang anak, para sa pamilya nitong winasak ng sarili niyang asawa, para sa kamatayan ng apo niya na ni hindi niya na nasilayan, para sa kanilang pamilya na mula't sapul ay sira na dahil sa hindi tamang rason ng pagpapakasal nila ni Zandro at higit sa lahat para sa isang butihing ama na tahimik lang sa isang sulok ng corridor kalong ang anak nito.
Nagdurugo ang puso ni Carmel para sa dalawang taong nakahanap ng pagmamahal sa isa't isa sa ganoon kakomplikadong mundo pero patuloy na pinaglalayo ang mga ito ng mga sakim na nakapaligid sa mga ito. Lumuluhang napatitig si Carmel kay Dean na tulalang nakaupo sa isang bench habang nasa bisig ang tahimik at para bang nakakaunawa na sa sitwasyong anak nito. Bakas pa ang mga natuyong dugo sa lukot-lukot na damit ni Dean. Magulo ang buhok nito, putok ang mga labi at mayroon pang pasa sa mukha.
Lumakas ang pag-iyak ni Carmel. Hindi niya na mabilang kung ilang ulit siyang nangarap na sana ay naiba ang pamilya na kinabibilangan ng kanyang prinsesa. Dahil hindi karapat-dapat si Selena para sa mga mapapait na bagay na nararanasan nito. Pero sadyang malupit ang tadhana. Kahit sa loob ng mga sandaling nangangarap siya ay agad pa rin siyang ginigising ng realidad para ipaalala sa kanya na napakaimposible ng gusto niya.
Mula pa nang ipasok si Selena sa emergency room may dalawang oras na ang nakararaan ay hindi pa lumalabas isa man sa mga doktor na sumusuri rito. At bawat segundo na lumilipas ay para siyang tinatakasan na ng bait.
"I... I only w-want the best for our... d-daughter."
Napasulyap si Carmel sa asawa. Simula nang magkita sila sa ospital ay ngayon niya pa lang ito narinig na magsalita. Sa isa sa mga tauhan pa nito niya nalaman ang nangyari sa kanyang anak at apo. Hindi niya namalayan na gaya niya ay napaluhod na rin si Zandro sa sahig malapit sa kanya. Naglaho na ang bangis sa anyo nito na siyang dapat lang naman.
"You only want the best for her?" Hindi makapaniwalang bulong ni Carmel. "Nagkakamali ka, Zandro. You only want the best for yourself. Tingnan mo kung ano ang nangyari sa kanya sa kagustuhan mong mapabuti siya." Mapaklang dagdag niya. "We don't even know if Selena is going to survive this. And if she does, paano natin ipapaliwanag sa kanya ang nangyari sa anak niya? Sa sobrang takot niya sa 'yo, mas pinili niya pa ang tumakbo palayo sa 'yo sa kauna-unahang pagkakataon na nagkita kayo pagkalipas ng kulang dalawang taon.
"Diyos ko, Zandro," Pumiyok ang boses ni Carmel. "Hindi na tayo mga bata. Matagal na tayong mga magulang. But we have never been good parents to Selena. May sariling isip at puso ang anak natin, Zandro. Kailan mo ba mauunawaan iyon? Mga magulang lang tayo at hindi Diyos. Kung gustuhin man ng anak natin na umalis sa pugad na nilikha natin para sa kanya, hindi ba't dapat ay hayaan natin siya? At kung sakaling mapagod man siya sa buhay sa labas at gustuhin niyang bumalik sa pugad, dapat ay nakahanda tayong salubungin siya.
"Kung naging mabuti lang sana tayong mga magulang, the moment Selena came back in this country, she could have shown her face to us and embrace us. But she didn't. The moment she saw you, did you even see a smile on her face? No," Napailing si Carmel. "Takot ang una niyang naramdaman kaysa tuwa. Ang kaawa-awa kong anak!"
Naisubsob ni Carmel ang mukha sa mga palad. Lumakas ng lumakas ang kanyang pag-iyak. Mayaman sila. Napakayaman nila kung tutuusin. Pero sa ganitong pagkakataon ba, maililigtas ng yaman nila ang buhay ng nag-iisang anak nila? Hindi. Iyong ipinaglalaban ng kanyang asawa na pera at kayamanan, bali-baliktarin man ang mundo, sa oras na manganib ang mga mahal nila sa buhay ay wala pa rin iyong magagawa.
Kasalanan niya. Dapat noong unang beses na malaman niya na bumalik na sa bansa si Selena ay kinausap niya kaagad ito at pinalayo. Pero hindi niya ginawa. Dahil ilang bwan na ring nananahimik sina Zandro, Adam at Leonna. Umasa si Carmel na totoong may himala at napagod na ang mga ito, na nagkasundo na ang mga itong hayaan na lang sina Dean at Selena. Hindi niya lubos akalain na may iba palang pinaplano ang asawa. Huli na nang malaman niya iyon.
Matagal nang alam ni Carmel na malupit si Zandro. Pero sa hinaba-haba ng panahon ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding kapaguran sa mga ginagawa nito. He was the cruelest man she had ever met. Sinadya nitong ma-corner sina Dean at Selena. Kaya ngayon...
"I'm so sorry, Carmel."
Dahan-dahang inalis ni Carmel ang mga palad sa mukha. Muli siyang humarap sa asawa. "Hindi ka ba kinikilabutan? That was your first time to say sorry. Baka nabibigla ka lang." Blangko ang anyo ng asawa kaya hindi niya mabasa kung ano ang eksaktong iniisip nito. Sabagay, noon pa man ay ganoon na ito.
Napahugot si Carmel ng malalim na hininga. "Paulit-ulit kitang sinusubukang kausapin. Kahit alam ko na parati kang hindi makikinig sa akin, sinusubukan ko pa rin. Pero ngayon, kailangan mo nang pakinggan ang mga sasabihin ko. Kahit ngayon lang dahil baka huli na ito. Alam mo ba kung bakit ayaw ko na kay Adam noon pa man? Dahil natatakot ako na matulad sa akin si Selena na siya lang ang nagmamahal." May kung anong dumaang emosyon sa mga mata ni Zandro pero masyado iyong mabilis na hindi nagawang mabasa agad ni Carmel.
"I love you, Zandro." Amin ni Carmel sa kauna-unahang pagkakataon simula nang magsama silang mag-asawa. "I love you that's why I stayed with you over the past years. Kahit ang hirap-hirap mong mahalin Kahit madalas, nakakapagod ka na. Nang dumating si Selena, siya ang nag-alis ng lahat ng sakit sa puso ko. She gave me warmth. And I loved that warmth, Zandro. Because your coldness was just too much to bear at times. Pero ngayon, ayoko na. Hindi ko na kaya. Dahil paulit-ulit na ipinagkakait mo sa akin kahit ang init na sa anak natin ko na lang natatagpuan."
Inalis ni Carmel ang kanilang wedding ring. Inilapag niya iyon sa marmol na sahig. "Pagod na pagod na akong mahalin ka, Zandro. Sa mga susunod na araw, magpapadala ako ng abogado para i-process ang annulment papers natin. Tutal ay wala naman nang tututol. Our parents were dead. Isa pa, kung totoo ngang guilty ka sa mga nangyari, hayaan mo akong makawala. Palayain mo na kami ng anak mo." Bumakas ang pagtutol sa anyo ni Zandro. "Carmel-"
Kahit pa nanginginig pa rin ang mga tuhod ay sinikap tumayo ni Carmel. "Loving you was the most horrible thing that I ever did in my entire life, Zandro." Naglakad na siya papunta kay Dean. Naupo siya sa tabi nito. "I'm so sorry, Dean."
Unti-unting napaharap sa kanya si Dean. Nang hindi na mapigilan ni Carmel ang sarili ay niyakap niya ang lalaki. Noon pa man ay magaan na ang loob niya rito sa kabila ng pagiging misteryoso nito. Siguro ay dahil madaling mabasa ang nilalaman ng puso nito sa tuwing nakikita nito si Selena. Hindi man nito alam pero para bang may maitim na ulap na nahahawi sa anyo nito sa tuwing tumitingin sa kanyang anak. Nagliliwanag ang buong mukha nito at nangingislap ang mga mata nito.
Ilang sandali pa ay narinig ni Carmel ang pagtangis ng lalaki. Para itong bata na nakahanap ng makakaramay at noon lang pinakawalan ang nararamdaman. Hindi nagtagal ay sumabay sa pag-iyak nito ang anak nito. They were both so vulnerable in her arms... probably just as vulnerable as her.
Mariing naipikit ni Carmel ang namamaga nang mga mata. Ibibigay niya ang lahat makatakas lang sila sa sitwasyong iyon. Pero kailan ba naman naging sapat ang kanyang lahat?
ILANG MINUTO nang nakatayo si Dean sa tapat ng pinto ng unit nila ni Selena pero hindi niya pa rin magawang pihitin ang seradura niyon. Hindi niya alam na darating ang pagkakataon sa buhay niya na katatakutan niya kahit pa ang simpleng pagbubukas lang ng pinto.
Natatakot siyang buksan ang pinto dahil natatakot siyang makita ang napakalaki nang pagkakaiba sa loob ng unit. Pero nang umingit ang kalong ni Dean na si Elijah sa huli ay wala rin siyang nagawa kundi pihitin ang seradura. Awtomatikong hinanap ng kamay niya ang switch ng ilaw.
Sa pagkabuhay ng liwanag, gaya ng inaasahan ni Dean ay sumalubong sa kanya ang basag-basag na mga kagamitan sa sala. Hindi niya na iyon nalinis pa matapos manggaling ni Adam roon dahil nagmamadali na siyang sumugod noong nakaraang linggo sa ospital sa Tagaytay.
Pwede naman sanang ipaasikaso iyon ni Dean kay Manang Ester pero pinagbakasyon niya na muna ang matanda. Wala siyang ibang gustong makasama kundi ang kanyang mag-ina. Ayaw niyang masaksihan pa ng kasambahay ang kamiserablehan niya. Ayaw niyang dagdagan pa nito ang tumitinding depresyon niya. Ayaw niyang makita sa mga mata nito ang awa na ilang araw niya na ring nakikita sa mga mata ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Inilapag ni Dean sa crib ang anak. Nagtimpla siya sandali ng gatas pagkatapos ay ibinigay sa bata ang feeding bottle nito. Mabuti na lang at nakakaya na iyong suportahan ng mga maliliit pang kamay nito. Dahil kung siya ang hahawak niyon ay baka hindi rin ito makainom ng maayos dahil halos nanginginig na siya sa panghihina.
Pagod na pagod siya. Hindi lang sa pisikal. Dahil ang mga galos at pasang iniwan sa kanya ng kapatid kahit paano ay naghihilom na. Pero ang puso niya... Mapaklang natawa si Dean. Hindi niya alam kung maghihilom pa ba iyon lalo pa at nananatiling unconscious pa rin si Selena sa ospital.
Natapos na ang operasyon ng kanyang asawa. Mayroong mga nabaling buto sa katawan nito lalo na sa mga hita at balakang nito. Pero hindi pa raw masasabing ligtas na si Selena hangga't hindi pa ito nagkakamalay. Ni hindi pa masiguro ng mga doktor kung gaano kalaki ang natamong pinsala ni Selena sa ulo nito.
Napayukyok si Dean sa crib ng anak. Comatose rin si Selena gaya ng kanyang ama. Ayon sa findings ng mga pulis na nag-imbestiga ay nawalan raw ng preno ang kotseng nakabangga sa kanyang asawa pero partially ay mayroon rin daw kasalanan ang huli dahil hindi na tama ang daang tinahak nito noong gabing nangyari ang aksidente. It was outside the crosswalk. Ang ama na ni Selena ang siyang nag- asikaso niyon.
Minsan ay hindi na alam ni Dean kung ano ang uunahing isipin. Naghihinanakit siya sa ama ni Selena, sa sariling pamilyang kinagisnan, sa kawalan ng hustisya sa mga pangyayari, sa lahat. Gusto niyang magwala. Pero bukod sa walang magandang maidudulot iyon ay wala na rin siyang lakas para gawin pa iyon.
Sa nakalipas na mga araw ay inasikaso ni Dean ang pagpapalibing sa kanyang anak na si Shera. Hindi na umabot ang bata sa ospital. Nabitiwan ito ni Selena nang humagis ang katawan ng huli sa kalsada. Ni hindi niya magawang tingnan ang mukha ng anak sa kabaong kahit sa huling pagkakataon. Dahil hindi niya maatim na makita itong matulog... nang permanente. Mas masakit pa iyon kaysa sa pinagdaanar niya sa kanyang ina.
Dahil nakabuo na si Dean ng mga pangarap para sa kanyang pamilya, para sa asawa, para sa kanilang mga anak. Ni hindi niya naisip na darating ang araw na siya na magulang, ang mauuna pang maghatid sa anak sa huling hantungan nito.
Sadyang napakahirap bumitaw lalo na kapag nakasanayan mo na ang isang bagay. Nasanay si Dean na maging masaya. Kaya ngayon na muling ipinaranas sa kanya ng tadhana ang miserableng buhay, hindi niya na alam kung paano ang bumangon. Pakiramdam niya ay masyado na siyang basag para gawin iyon. Ni hindi niya na alam kung ano ang gagawin, kung saan magsisimula, kung paano ang maging ama at ina para sa natitira niyang anak.
Nasanay si Dean sa parang nagdu-duet na pag-iyak ng mga anak tuwing umaga ng buhay niya. Ang mga iyon ang gumigising sa kanya kasabay ng naaaliw parating tawa ni Selena. At madalas ay lalapitan nila ang mga bata na ngumingiti na sa oras na nakita na silang mag-asawa. Kukunin nila ang mga bata at papaarawan sa pool area sa umaga. Sa mga ganoong bagay nagsisimula ang araw nila. Kaya ngayon ay nangangapa siya.
Paano niya nga ba sisimulan at tatapusin ang bawat araw? Isipin pa lang ay lalo na siyang napapagod. Nag-init ang mga mata ni Dean. Kung may dalawang bagay man siya na ipinagpapasalamat ngayon, iyon ay ang pagbibigay sa kanya ng ama ni Selena ng pagkakataon na makadalaw sa ospital at makita ang asawa. Hindi man siya nito kinikibo pero hinahayaan na siya nito.
Dumalaw na rin si Leonna sa ospital. At gaya ng inaasahan ni Dean ay siya ang sinisi nito. Nang makita niya ang madrasta kahit paano ay nakaramdam pa siya ng tuwa at pagpapasalamat sa pagod na nadarama. Dahil hindi na nagawang rumehistro pa sa para bang lutang nang isip niya ang mga masasakit na salita nito lalo na ang pagsampal nito sa kanya.
Hindi na kaila pa kay Dean ang
dapat sana ay plano ni Adam at ni Zandro Avila. Jpinagtapat na iyon sa kanya ni tita Carmel. Hindi pala totoong tinigilan na sila nina Zandro kahit pa hátuklasan na ng mga itong ikinasal na sila ni Selena at may mga anak na sila. They planned to force him and his wife to process their divorce papers so that Selena will still be able to marry who the society thought of as the best man suited for the Avila's princess who happened to be Adam. Sadyang napakapalad ng kanyang kapatid.
Ngayon nasiguro ni Dean na mahal nga ni Adam şi Selena dahil nakahanda pa rin itong tanggapin ang huli sa kabila ng mga anak nito Pero kasabay niyon ay nasiguro niya rin na wala itong ipinagkaiba kay Leonna. Dahil ang nagmamahal, hindi ba at nagpapaubaya sa Kagustuhan ng minamahal? Bukod pa roon ay hindi niya mapaniwalaan ang pagiging masigasig ni Zandro Avila. Hindi niya mapaniwalaan ang pagmamahal rin nito sa anak nito.
Pareho na silang ama ni Zandro. Pero sa kabila niyon ay hindi niya pa rin maunawaan ito. At sa palagay ni Dean ay hindi niya na ito magagawang maunawaan pa kahit kailan. Dahil ang anak niya, kailanman ay hindi niya pipilitin ha gawin ang isang bagay na hindi nito gusto. He wanted his children to live a life free from all the hardships he encountered. Gusto niyang maranasan ng mga anak niya ang kalayaan na hindi ipinagkaloob sa kanya noon.
Napasulyap si Dean sa nakatulog nang anak. "I'm so sorry, son. Alam ko na dapat mas nagiging malakas ako ngayon para sa 'yo, para sa inyo ng mommy mo. Pero paano ba? Paano ba ang maging malakas?" Gumalaw ang mga balikat niya sa pagluha. "Kung alam mo, pwede bang pakituruan naman si Daddy?