My Stranger Legal Wife

Chapter CHAPTER 4: Decision



Alora's Point of View

May anim na malalaking kwarto sa second floor pero sa unang tingin palang, alam ko na agad na ang kwartong tinulugan ko ang pinakamalaki. It must be the master's bedroom.

Ewan ko lang kung saan natulog si Zeke kagabi, hindi ko na rin naman siya nakita pagkatapos kong mag-shower at makapagpalit ng damit.

Nainis lang ako sa pantulog na binigay niya dahil sobrang ikli at nipis kaya naman ang ending nangialam ako sa closet niya. Buti na lang at may nahanap akong silk robe na hanggang tuhod ko ang haba. Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Halos hindi rin naman ako nakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon ko.

Pagkabangon ko, agad akong naligo. Isinuot ko ang damit na suot ko kahapon. Nagising akong nakapatong na iyon sa bedside table, nalabhan at ready to use na.

Nang bumaba ako ng hagdan, bumungad sa'kin si Zeke. He is wearing a grey three piece suit. Mukhang papasok din siya sa trabaho. Maaga din pala siyang nagising. Akala ko pa naman makakauwi na ako ng bahay bago pa siya magising. "Ang aga-aga pero nakasimangot kana agad." Puna niya sa'kin. Wala siyang kangiti-ngiti pero magaan ang boses niya kaya naman hindi siya tunog masungit. Napanguso na lang ako sa tinuran niya.

"Come and join me for breakfast before I'll drop you to your work." Ilang sandali rin niya akong tinitigan bago nagpatiuna sa paglalakad.

Walang imik na lang akong sumunod sa kanya.

Hindi bale, konting tiis na lang at makakaalis na ako dito.

Ipinaghila pa niya ako ng upuan bago siya umupo sa tapat ko. Walang alinlangan akong umupo sa upuan. Gutom na rin ako kaya sumandok na ako ng kanin.

Ngunit nang aksidente akong mapatingin sa kanya, nakita kong nakaawang ang labi niya, mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

Huli na nang maalala kong hindi pala kumakain ng kanin si Leina tuwing umaga. A slice of bread and cup of milk is enough for her. Oo tama, gatas, hindi siya umiinom ng kape. Alanganin akong napangiti.

"I need rice. You know, I will work the whole day," palusot ko na lang.

'Naku naman Alora, nakakarami kana nang katangahan. Isip-isip din pag may time, huh?' Ugong ng aking isipan. Sa totoo lang ay gusto ko nang batukan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.

Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya nagkibit-balikat sa sinabi. Nang ibaling niya ang atensiyon niya sa kanyang plato ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"You told me last night that we will talk. But it seems that we only talk about useless things. Is that all what you want to say?" I opened up. Gusto ko ring matapos na ito para makauwi na ako. At para na rin hindi na siya magpakita sa akin. Tumingin siya sa akin bago siya nagsalita.

"Actually, I want us to talk about our marriage."

"I want a divorce." Agaran akong nagsalita. Hindi ako bumitaw ng tingin sa kanya. Mabuti na yo'ng unahan ko siya.

"Pwede bang ako naman ang pagbigyan mo ngayon? Even just this time," saad niyang lumamlam ang tingin niya sa akin.

Hindi ako umimik.

"Give our marriage a chance."

Aalma sana ako kaso nagsalita ulit siya.

"Until now, I still can't decide on what to do. Give us a chance. Even just a month, stay with me. And if it doesn't work then I'll give the divorce that you want." Napailing na lamang ako.

Hindi ko yata kakayanin ang katangahan ng lalaking 'to.

"After all the things that happened, you still can't decide?" Hindi ko napigilan ang sarili kong boses sa pagtaas ng tono. Sobra na kasi ang pagkamartir ng lalaking ito.

Unbelievable 'tong taong 'to. Niloko na't lahat-lahat pero 'di pa rin makapag-decide. Ano yo'n? Patay na patay lang kay Leina? Sa kwento mismo ng kaibigan ko, masasabi ko na si Leina ang nagkamali. Kaya hindi ko rin gets kung ba't hindi pa niya ako pagbigyan sa divorce na hinihingi ko.

"Just give me a month, that's what I'm only asking from you."

Geez.

Muli na lamang akong napailing.

"Okay, sige magkita tayo after one month." pagsuko ko.

Huwag lang sanang malaman 'to ng boyfriend ko dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Ayokong masayang ang limang taong relasyon namin ni Kenneth. I already planned my future with him. Proposal na lang niya ang kulang.

"That's not what I want. Stay with me in this house for one month. Let's try to fix our marriage."

Nanlaki ang mga mata ko.

Naku! Naloko na!

"We can't fix it anymore! Let's just proceed to the divorce," pilit ko.

Wala na talagang maaayos. Hindi na sila pwede ni Leina. Everything is complicated. Wala nang dapat ayusin. Wala na. Ang pinakatamang solusyon sa problema nila ay ang maghiwalay.

"Subukan sana natin para balang-araw wala tayong pagsisihan. Stay with me and let's find out what's better; to fix our marriage or to legally separate." Kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya. "Hindi na natin kailangan ang one month na yan, let's just proceed immediately to the legal separation." Giit ko.

"Pagbigyan mo naman ako, one month lang naman ang hinihingi ko." Pagmamakaawa niya.

Sa totoo lang, gusto kong batukan ang lalaking 'to. Napagwapo niya para magpakatanga ng ganyan sa isang babae.

"Let's just see kung wala na talaga tayong maaayos. Gusto ko lang masiguro na hindi ako magsisisi balang-araw," sunod niyang saad.

Napatanga nalang ako. Mukhang determinado siyang ipilit ang gusto niya.

Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Mabuti sana kung nandito si Leina. She knows this man better and for sure she knows the better decision. At isa pa, problema naman nilang dalawa ito. Nanatili akong tahimik.

Hindi naman ako ang magdedesisyon kundi si Leina.

Siya naman talaga ang asawa niya. Siya ang asawa pero pangalan ko ang nasa marriage certificate.

Haysss.. Ewan! Ang gulo. Naloloka na ako! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa sitwasyon na 'to.

"Okay, I'll give you one day to think. The day after that, susunduin kita sa trabaho mo to know your decision. Sana naman pagbigyan mo ako. This is the only thing I'm asking from you." Napaawang na lamang ang labi ko.

Aba! Mukhang mangongonsensya pa para lang yata mapapayag ako.

Alora's Point of View

Inihatid nga ako ni Zeke sa trabaho. Wala kaming imikan habang nasa biyahe kami. Nakikita ko siyang pasulyap-sulyap sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Hindi rin naman siya nagsalita kaya hindi ko na rin siya kinibo. At saka baka makagawa na naman ako ng katangahan kapag nag-usap pa kami.

Nang huminto ang sasakyan ay tila lumukso ang puso ko nang bigla na lamang siyang dumukwang palapit sa'kin.

"Teka! Anong gagawin mo?" Hindi ko napigilan na panlakihan siya ng mga mata.

Tila balewala naman siyang tumitig sa'kin at saka nginuso ang seatbelt.

Nang ma-realized ko ang gusto niyang ipahiwatig ay naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

Hayys. Malay ko bang 'yong seatbelt ang sadya niya. Akala ko kasi ay hahalikan niya ako.

"Kaya ko na 'to," mabilis na saad ko at saka kaagad na tinanggal ang seatbelt ko.

Bumuntong-hininga na lang siya at saka lumabas ng kotse niya. Humakbang siya patungo sa tapat ko at pinagbuksan ako ng pintuan.

Hindi ko naman naiwasan ang mapaisip.

Bakit ba nagsawa si Leina sa lalaking 'to? Ano pa bang kulang?

"Take care and don't forget to eat on time," saad niya nang makababa na ako.

Iba din ang lalaking 'to.

Sayang naman siya.

"Salamat. Ikaw din, "sagot ko na lang bago ako tumalikod at pumasok sa pinagtratrabahuan ko.

Hindi na ako nag-abalang lingunin siya kahit ramdam ko ang paninitig niya sa akin.

Mabilis lumipas ang araw. Pag-uwi ko sa unit ni Leina, kaagad niya akong sinalubong na parang kanina pa nag-aabang.

"Ano, kumusta? What happened? Nakahalata ba siya? C'mon tell me." Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Gano'n ba siya katakot sa mister niya? Sabagay, mukha namang mas mayaman at makapangyarihan ang asawa niya kaysa sa kanya. Plus maaaring magkagulo kapag nalaman 'to ni Franc. "Tingin ko, hindi naman siya nakahalata," saad ko bago ako dumeretsong umupo sa sofa.

"Yaya! Magdala ka dito ng tubig," pasigaw na tawag ni Leina sa katulong namin.

You heard it right. Napakaliit ng unit namin pero nag-hire pa siya ng stay-out maid. Buti nalang at nang magdramahan kami kahapon ay nakauwi na ang katulong.

"Ano pang nangyari?" saad niya at saka tumabi sa'kin.

"Kumain lang kami at nag-usap," tipid kong sagot. Dumating na rin kasi ang katulong dala ang tubig kaya hindi sandali akong natahimik.

Nang makaalis ito sa sala, ipinagpatuloy kong magsalita.

"Sinabi kong gusto ko ng divorce."

"What did he say?" Halata ang excitement sa mukha niya.

"Hindi siya pumayag," sagot ko dahilan para mawala ang kislap sa mukha niya.

"I'm sorry,"she said. Nakita ko ang sinseridad sa mukha niya.

"Gusto niyang tumira ako sa bahay niya ng one month. He said, he want to see if we could fix the marriage and if not he will give the divorce that I'm asking." "What did you say then?" Mabilis niyang usisa.

"Hindi ako sumagot. Wala ako sa posisyon para magdesisyon. Ikaw naman talaga ang asawa niya. I am just his wife in papers."

To sum it all, gulo nila ito at nadamay lang ako.

Kinuha ko ang baso at saka tinungga ang laman nitong tubig.

"Pumayag ka! Sigurado naman akong kapag tumanggi ka, kukulitin ka parin niya hanggang sa mapapayag ka niya."

Nasamid ako dahil sa narinig ko. Akala ko pa naman, sasabihin niyang tumanggi ako.

Agad naman niyang hinagod ang likod.

"Pero Leina, pa'no si Kenneth? What if he finds out about this?" turan ko nang makabawi ako sa pagkasamid.

"He's out of country for training, diba? Hindi niya malalaman. Pwede mo naman siyang i-text o tawagan kapag wala si Zeke." Seryoso ba siya?

Parang ang dali ng pinapagawa niya sa'kin ah.

"Pero uuwi siya after two weeks. Pa'no ko maitatago 'to sa kanya?"

"Magagawan natin 'yan ng paraan. Tiwala lang, okay?" saad niya.

Napaawang na lamang ang labi ko.

Ayos ha! Palibhasa ako ang maiipit kapag nagkataon.

"Another thing, how could I stay with him if I don't even know how to act as a wife?" nasaad ko.

Totoo naman kasi. Wala nga akong kaalam-alam kung paano sila bilang mag-asawa.

"Don't think too much about that. Just be your self, okay?"

Napailing na lamang ako. Napakagaling din ng advice nitong kaibigan kong 'to, nohh?

"Meaning, I don't need to act like you? Hindi kaya siya makahalata?" I asked. Naniniguro lang. Baka ikapahamak ko pa kapag nabuking ako.

"Four years kaming hindi nagkita. Siguro naman hindi niya ako gano'n kakilala. Three years lang naman kaming nagsama."

Hindi naiwasan ang mapataas ang kilay.

Whoa. Three years LANG daw. LANG lamang para sa kanya ang three years. As if she was only talking about a one month relationship.

"Pag nagtanong siya at nase-sense mong nagdududa siya then just tell him that people change. Tutal ang alam naman niya, twenty years old lang ako noong magpakasal kami." Noong maregister ang kasal, Twenty years old ako noon at si Leina naman ay twenty-two ang edad. Identity ko nga talaga ang ginamit niya kasi pati edad ko hiniram niya. "Ilang taon na ba ang asawa mo?" Usisa ko.

"Twenty-nine na siya ngayon," sagot niya.

Mas matanda pala siya sa'kin ng two years. He looks younger than his age.

"Pareho pala kayong twenty-two that time. Too young to get married." Nawika ko. Hindi ko rin maipaliwag ngunit tila kusang lumabas iyon sa bibig ko.

"That time, we both believe that were deeply in love with each other."

Hanggang ngayon naman yata deeply inlove parin si Zeke sa kanya. If it's not then he won't try to fix their broken marriage---- I mean our marriage in papers. Ang masaklap, ako ang kailangang umayos ng gulong ginawa niya kasi busy rin naman siya sa pag-ayos sa sarili niyang buhay.

Sana lang ay kayanin ko ang pinagagawa sa akin ng kaibigan ko.

Sana lang ay hindi ko to pagsisihan sa huli.

Zeke's Point of View

Dumating na ang araw ng usapan namin. Hindi ko naitago ang aking excitement. At kung pwede ko lang hilain ang oras ay kanina ko pa sana ginawa.

I went to the restaurant before it gets five in the afternoon. I parked my car on the parking area of this fast-food restaurant which is located just in front of this small building. Matiyaga akong naghintay sa kanya. Mag-aalas-sais na rin ng hapon nang makita ko siyang lumabas.

She is carrying a small travelling bag and a shoulder bag. Lumabas ako ng kotse for her to recognize me. Dumeretso naman siya sa'kin nang makita niya ako. Habang minamasdan ko siyang papalapit sa kinaroroonan ko ay tila bumilis din ang tibok ng aking puso.

Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay kaagad kong kinuha ng dala niyang bag.

"Pakihintay nalang ako. May kukunin pa ako," walang kangiti-ngiting saad niya.

Inilagay ko na lang sa backseat ang mga gamit niya. Parang gusto kong mag-celebrate. From this travelling bag alone, I can already conclude her decision. Mukhang papayag na siyang tumira sa bahay namin. Maya-maya pa ay bumalik na siya. Pero napakunot ang noo ko sa nakita ko. May dala siyang box na may lamang gamit katulad ng libro, notebooks, at may nakita rin akong picture frame sa ibabaw. Nakasimangot siya at walang kaimik-imik na pumasok sa backseat.

At ginawa pa talaga akong driver. Sisitahin ko sana siya kaso padabog niyang inilapag ang dala niya. Pagkatapos ay sumandal siya at humalukipkip. Salubong pa rin ang kilay niya.

Obviously, she's in a bad mood. Dahil ba labag sa loob niya ang pagtira sa bahay namin?

Buntong-hiniga na lamang akong pumasok sa driver's seat at wala ring imik na nag-drive.

When we are halfway to our home, I glance at her in the rear view mirror. This time, hindi na siya nakakunot-noo.

"Let's eat, outside? We can stop at the nearest restaurant, if you want." I said to break the silence.

"It's too early to have dinner," matamlay niyang sagot. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

At napakasakit lang na tinanggihan niya ako.

"Pero kung hindi ka naman maarte, mag-street food nalang tayo," Maya-maya lamang ay turan niya. Street food? Kumakain na pala siya ngayon ng street food. I can't believe how time changed her food preference.

"If that's what you want then we'll go to that." Nakangiting turan ko.

Palagi namang gano'n dati. Nakasunod lang ako lagi sa gusto niya.

Just a few minutes, may nadaanan kaming park at saktong may maraming nakahilerang streetfood stalls.

"Pwede na tayo diyan." She said that's why I immediately looked for the nearest parking area to park my car.

Pasimple ko naman siyang sinulyapan nang maparada ko ang sasakyan. From the rear view mirror, I saw how her eyes shines in glee. Bahagya pa siyang nakangiti. Hindi na rin niya hinintay na pagbuksan ko siya. Siya na ang nagkusang nagbukas ng sasakyan.

Dumeretso kami sa nagtitinda ng street food. Bumili siya ng iba't-ibang klase nito then after that dumeretso kami sa park. Tumabi ako sa kanya nang umupo siya sa bakanteng bench.

"Kain na," she said then she offered the food she bought.

"Thanks." Kumuha naman ako ng isang stick ng natuhog na kwek-kwek.

First time ko pero mukhang 'di siya aware. Though alam ko naman ang mga pagkaing ito, I never had experienced eating food like this.

"Stress-reliever talaga ang mga ganitong pagkain," she uttered. Sandali pa itong pumikit na parang ninanamnam ang kinain niyang calamares.

On that cue, sinubukang kong magtanong.

"Why? Are you stressed today?"

Try lang, baka naman sakaling mag-open up siya.

"Wala na akong trabaho. I got fired," kalmadong saad niya.

Gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha.

"On what grounds?" Muli kong usisa.

Tinitigan niya ako.

Ooppss! Wrong moves yata, mukhang ayaw niyang magtanong ako.

"Sinipa ko ang boss ko kanina. Buti na nga naka-heels ako eh. For sure nagkagalos 'yon." Turan niya kasabay ng pagkuha niya ng isaw.

"Why did you do that? Is it because he fired you?"

Nalukot ang mukha niya.

"Nope, binastos niya ako. Bwisit ang lalaking yo'n. Hipuan ba naman niya ako!" Halata ang gigil sa boses niya pero kasabay ay nakita kong pinahid niya ang isang patak ng luhang tumulo mula sa mata niya. "Nakakainis! Akala ba niya sa'kin mumurahing babae?" sunod niyang turan.

Napakurap naman ako.

Sa loob-loob ko, gusto ko siyang kontrahin. Sa dinami-dami ng naging kabit niya dati, nagagawa pa niyang sabihin na hindi siya mumurahing babae? So ano? May dignidad pa siya sa lagay na 'yon? "Nakakagigil talaga siya!" Nanggagalaiti niyang turan.

"Gusto mo ba idemanda natin siya?" malumanay kong saad.

I will just keep all my sentiments with me for the sake of fixing our marriage.

Kaagad naman siyang napalingon sa akin. Unti-unti ring nagbago ang ekspresyon ng mykha niya.

"Huwag na. Ayoko na rin namang makita pa ang pagmumukha ng demonyong 'yon."

Hindi na ako sumagot. Muling natuon ng pansin ko sa kanya na kumakain ng streetfood.

This is so odd of her. Sa lahat naman ng date namin dati, sa mga mamahaling restaurant kami kumakain.

I can't believed how she changed. But I am enjoying while watching her other side. Tila napahanga niya ako habang kumikilos siya na walang kaarte-arte.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.