My Stranger Legal Wife

Chapter CHAPTER 23: Listen to me



"What the hell are you doing here?!"

Mabalis na hinablot ni Zeke ang tuwalya na nakasampay sa headboard ng kama. Tila napapaso rin itong umalis roon. Taranta rin nitong itinapis ang tuwalya sa kanyang beywang. "S-sir." Nagsimulang mangislap ang mata nito na para bang anumang oras ay tutulo na ang luha nito.

"Answer me, Miss Ravina!" Hindi naitago ni Zeke ang galit.

"Dinala mo ako dito, sir." Napayuko ito. "You kissed me and brought me here. You even carried me, sir." Napahikbi ito.

Pilit inalala ni Zeke ang mga nangyari kagabi.

Dumaloy sa isip ang ginawa niyang pakikipagbalikan sa hall. Sumunod niyang naalala ang paglalakad niya ang buhat niya in bridal ang isang babae.

Napahilot siya ng sentido at pilit inalala ang mukha ng kasama ngunit naging malabo iyon sa kanyang isip.

Pinilit nitong alalahanin ang buong pangyayari ngunit naramdaman na niya ang pagkirot ng kanyang ulo.

"No! It's not you! Si Alora iyon. Si Alora ang kasama ko kagabi!"

"Umalis po si ma'am Alora, sir."

Dumaloy sa alaala ni Zeke ang pagpapaalam sa kanya ni Alora upang magbanyo.

"No. Hindi totoong ikaw ang kasama ko kagabi."

"Linapitan po kita kasi parang lasing na po kagabi.

"It's not true! It's not true!" Nag-iigting ang panga nito.

Mabilis nitong dinampot ang mga nagkalat niyang damit sa sahig.

"Go out, Miss Ravina! Go out!"

Wala nang nagawa si Richelle kundi umalis sa kama. Humihikbi itong lumapit sa mga damit niyang nagkalat sa sahig.

"Hindi ko aakalain na tratratuhin mo ako ng ganito. After all the things we shared last night, ganito lang pala."

Hindi naman siya ininitindi ni Zeke, sa halip ay nagpatuloy lang din ito sa pagbibihis.

Eksaktong naisuot ni Zeke ang T-shirt niya nang tumunog notification alert ng kanyang cellphone.

Agad niya iyong dinampot sa sidebed table.

Nakatanggap siya ng mensahe mula sa unregistered number.

Nang buksan niya iyon ay bumungad sa kanya ang isang larawan. Larawan iyon ng isang lalaki at isang babaeng magkatabi sa kama. Hanggang lebel ng dibdib ang kumot nila pero mapapansin agad na wala silang suot sa ilalim ng puting kumot.

Kumabog ang dibdib ni Zeke nang dumako ang tingin niya sa mukha ng mga taong nasa litrato.

It was Kenneth Quino.

At ang babaeng katabi nito sa kama ay walang iba kundi si Alora.

Noon na gumuhit sa alaala niya ang nasaksihan kagabi. Makahawak kamay na nag-uusap sina Alora ay Kenneth.

Naramdaman ni Zeke ang pagguhit ng hapdi sa kanyang dibdib.

Muli siyang nakatanggap ng multimedia message. Larawan naman iyon ng pintuan. Makikita ang room number na Zero Twenty-Nine.

Nagpupuyos ang damdamin niyang tinungo ang pinto at mabilis na tinungo ang kabilang kwarto. Hindi na niya alintana kahit nasa loob parin ng silid si Richelle Ravina.

Nagkataon namang nasa hallway si Art. Nakita nito ang walang kaabog-abog na pagpasok ni Zeke sa katapat ng hotel room ng kanyang amo.

Nang buksan ni Zeke ang pinto ay bumungad sa kanya ang mga nagkalat na damit sa sahig. Nakaramdam siya ng hapdi sa dibdib nang matanto niya kung kaninong damit ang mga iyon.

Nang dumako ang kanyang tingin sa kama ay bumungad sa kanya si Kenneth Quino na halatang bagong bangon. Pupungas-pungas pa ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakakunot-noo ito.

Dumako ang tingin nito sa tabi ni Kenneth. At para siyang sinaksak ng ilang ulit nang makita niya kung sino ang naroon.

Ang kanyang pinakamamahal na si Alora Andrada.

Kumuyom ang palad nito.

"How dare you!" Sumugod ito patungo kay Kenneth. Mabilis namang nakakilos si Kenneth upang umalis sa kama. Nakasuot lang ito ng boxer.

Nang makalapit sa kanya si Zeke ay mabilis niya itong sinuntok sa mukha. Tumama iyon sa gilid ng labi nito. Tumalim ang titig ni Kenneth nang maramdaman niya ang pagtulo ng dugo sa labi nito. Ginantihan siya ni Kenneth ng sipa. Natumba sa kama ni Zeke. Naging dahilan iyon upang maalimpungatan si Alora.

Iginala nito ang paningin. Matapos itong kumurap-kurap ay parang wala siya sa sariling napabangon.

Unti-unting gumuhit ang gitla sa noo nito.

"Anong..." Nagpalinga-linga ito sa paligid. "Anong nangyayari?" Napalunok ito. "Ba-bakit ako nandito?"

Nang lingunin siya ni Zeke ay sinamantala iyon ni Kenneth upang muli siyang sugurin. Ngunit bago pa lumapat ang kamao ni Kenneth sa mukha nito ay nagawa siyang sipain ni Zeke. Malakas ang pagkakasipa niyang iyon. Naging dahilan iyon upang matumba si Kenneth sa sahig.

"Zeke! Kenneth!" Napatili na lamang si Alora. Baka sakaling mapatigil niya ang mga ito sa gano'ng paraan. Noon na rin tuluyang nagising ang diwa niya sa nangyayari.

Bumangon si Kenneth sa pagkatumba. Kumilos ito para sugurin si Zeke ngunit dalawang kamay ang yumapos sa kanyang beywang.

"Tama na, Ken. Tama na." Humihikbi si Richelle. Mahigpit ang yakap nito kay Kenenth. Sunod namang pumasok si Art sa loob. Nabakas sa mukha nito ang gulat. "Zeke." Hindi naitago ni Alora ang panginginig ng boses.

Matalim ang tingin ni Zeke na bumaling ito sa kanya.

"Akala ko iba ka, Alora! Buong akala ko, iba ka!"

"Zeke, magpapaliwanag ako."

Tumayo si Alora sa kama. Pinilit nitong ibinalot ang kumot sa sarili upang hindi tumambad ang kanyang kahubdan.

Mabilis namang dinampot ni Art ang mga nagkalat na damit ko Alora sa sahig at saka lumapit kay Alora.

"Magbihis po muna kayo, ma'am."

Nabanaag naman ang pagtutol sa mukha ni Alora. Ngunit marahan na siyang hinila ni Art patungo sa banyo.

Nang lumabas ng pinto si Zeke ay kaagad siyang sinundan ni Art. Nang makapa nito ang pulang kahita sa kanyang bulsa ay mabilis niya itong hinugot.

"Bullshit!" Ibinato nito ang kahita sa kung saan. Nabuksan pa iyon at tumilapon ang singsing na laman nito.

"Damn it! Damn it!" Pinagbabato nito ang mga unan sa kama.

Hinayaan na lamang siya ni Art.

Nang hindi ito makuntento sa paglalabas ng sama ng loob roon ay napasabunot siya sa kanyang sariling buhok.

"Bakit nagawa sa'kin ni Alora ito?" Namumula ang mukha nito dahil sa labis na galit. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito.

"You should listen to ma'am Alora, sir."

Umiling-iling naman si Zeke.

Lumapit ito sa maleta at binuksan iyon. Inilabas niya lahat ng damit ni Alora at linikom naman niya ang mga gamit niya at isinilid roon.

"Cancel the special event, Art. Walang mangyayaring proposal. At ikaw na rin ang bahala sa mga activities ngayong araw."

"Opo, sir."

Nang makita nitong pumasok si Alora sa pinto ay mabilis nitong isinara ang maleta.

"Zeke, magpapaliwanag ako."

"I've seen enough, Alora!" Matalim ang titig na iginawad niya rito. Punong-puno iyon ng sakit at galit.

"Wala ka ng dapat ipaliwanag pa!"

Hindi na napigilan ni Alora ang pagtulo ng luha nito.

Hinila naman ni Zeke ang maleta at tinungo ang direksyon ng pintuan.

"Please, Zeke. Pakinggan mo naman ako." Patuloy parin sa pag-agos ang mga luha nito.

"Mauuna na ako sa Baguio, Art. Sumunod na lang kayo ng team roon." Bumaling kay Art at tila ba hindi nito narinig ang pagsusumamo ng kanyang misis. "Opo, sir."

"Please, Zeke. Kahit sandali lang." Mabilis na humakbang si Alora para hubulin siya. Humawak ito sa kamay ng kanyang mister. Mabilis namang iwinaksi iyon ni Zeke. "I don't want to hear anything from you!" Nag-iigting ang panga nito. Matalim ang titig nito bago niya ito talikuran ang ipagpatuloy ang paghakbang paalis. "Zeke." Humakbang si Alora para sundan ang kanyang mister ngunit hinawakan siya sa kamay ni Art. Naging dahilan iyon upang mapatingin siya rito. "Hayaan niyo na po muna siya, ma'am"

"Pero---"

"Bigyan niyo po muna siya ng space. Hintayin niyo pong lumipas ang init ng ulo niya, ma'am."

Nakita nito ang pagtutol sa mukha niya pero nagpatuloy pa rin si Art sa pagsasalita.

"Umuwi ka lang muna siguro ma'am. Tatawagan ko po si Mang kanor para masundo ka po niya."

Marahan inalis ni Alora ang pagkakahawak ni Art sa kamay niya. Lupaypay ang balikat nitong tinalikuran si Artheo.

Nanghihinang napaupo na lamang siya sa gilid ng kama. Umupo ito patalikod sa kinatatayuan ni Art. Kitang-kita naman ni Art kung paano yumugyog ang balikat ng kanyang amo. Nang marinig ang paghikbi nito ay napabuntong hininga na lamang si Art. Nang dumako ang tingin nito sa singsing na nasa sahig ay lumapit siya roon at pinulot iyon.

"Konting time lang po. Mahal ka ni sir Zeke. Hindi ka niya matitiis, ma'am."

Hindi umimik si Alora. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak.

"Siguradong mapapatawad ka rin ni sir, ma'am."

Pinunas ni Alora ang kanyang luha gamit ang mga palad nito. Matapos iyon ay saka siya lumingon kay Art.

"Hindi ko naman talaga alam kung bakit ako napunta roon. Ang alam ko, si Zeke ang kasama ko kagabi. Si Zeke ang kasama kong natulog kagabi."

"Sinasabi mo bang na-set up ka lang, ma'am."

"Hindi ko alam. Naguguluhan na rin ako."

"Huwag kang mag-alala, lalabas din po ang totoo."

"Sana nga. Dahil hindi ko yata kung masisira kami ni Zeke." Tumulo muli ang luha nito ngunit agad rin niya iyong pinahid gamit ang kanyang palad. "Mahal ko siya. Mahal ko si Zeke, Art."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.