Chapter CHAPTER 19: Agenda of the Meeting
"Come in, Miss Ravina. Kanina pa kita hinihintay."
Iginala ni Richelle ang kanyang paningin. Maliwanag sa loob ng conference room subalit tanging si Artheo Pueblo ang nadatnan niya roon. Dumagundong ang kaba ni Richelle. Nararamdaman niyang may iba. Nararamdaman niyang may mali. "Please sit down." Kalmante naman ang boses at kilos ni Artheo habang nakatayo sa harap.
"Na'san ang mga ka-meeting natin, Mister Pueblo?"
Doon na nag-angat ng tingin si Art. Nagtama ang kanilang mga mata at saka umarko ang gilid ng labi nito.
"The meeting is only between the two of us, Miss Ravina."
Lalong dumagundong ang kaba ni Richelle.
"The agenda of the meeting is about knowing the thruth." Hindi nito inalis ang titig kay Richelle.
Napalunok na lamang si Richelle.
Maya-maya lang ay nag-flash ang isang litrato sa malaking LED screen.
Larawan iyon ni Kenneth Quino. May kasama itong babae ngunit nakatalikod mula sa kumuha ng litrato. Gayunman, alam na ni Richelle na siya ang babaeng iyon. Kilalang-kilala niya ang suot ng babae roon dahil iyon ang paborito niyang damit.
Unti-unti niyang naramdaman ang pamamawis ng kanyang noo.
"Do you know him, Miss Ravina?"
Hindi umimik si Richelle. Hindi niya mahagilap kung ano and dapat niyang isagot.
"Kilala mo ba siya, Miss Ravina?"
Nakaramdam ng paghapdi sa mata si Richelle.
"Hindi pwedeng dito lang matapos ang plano. Hindi pwedeng masira lahat ng pinagpaguran ko." Naisaisip niya.
"Ano na Miss Ravina?"
Dahan-dahang tumango si Richelle.
"Oo, kilala ko siya." Kumawala ang kanyang hikbi.
Tumingin ito kay Art habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi.
"Huwag mo akong isusumbong kay Ma'am Alora. Siguradong magagalit siya sa'kin."
Tumayo ito at lumapit sa kinaroroonan ni Art. Pagkalapit niya ay kaagad siyang lumuhod sa harap nito.
"Parang awa mo na. Mahal ko si Kenneth. Mahal na mahal ko siya." Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha nito. "At napalapit na rin ako kay ma'am Alora, hindi ko rin kakayanin kung magagalit siya sa'kin." Lalong rin siyang napahikbi. "Bakit naman magagalit sa'yo si Mrs. Fuentares? Wala naman na silang relasyon?"
Nag-angat ng tingin si Richelle. May bakas pa rin ng masaganang luha sa kanyang pisngi.
"Pero ang sabi sa'kin ni Ken, never silang nag-break."
"Then Kenneth Quino is lying."
"Hindi." Umiling-iling pa ito. "Imposible 'yon."
Humugot ng hininga si Richelle.
"May aaminin ako sa'yo." Pikit-matang turan nito. "Binigyan ko ng bracelet si maam Alora. At may tracking device iyon."
"And for what reason?"
"Si Ken ang may pakana. Sinunod ko lang ang utos niya."
Naningkit naman ang mata ni Art sa narinig.
"Ginawa niya iyon para hindi siya mabuko na may iba pa siyang babae."
"Kung totoo yang sinasabi mo, bakit hindi si Ken ang nagbigay ng bracelet?" Hindi ito bumitaw ng tingin sa dalaga.
Agad namang napalunok si Richelle. Nabubuhay na rin ang inis niya kay Artheo Pueblo.
"Hindi ko rin alam."
Umiling-iling naman si Art. Halatang hindi pa rin siya kumbinsido.
"Sabihin mong desperada ako pero mahal ko lang talaga si Kenneth. Handa akong maging pangalawa lang niya. Ang mahalaga, huwag lang niya akong ipagtabuyan sa buhay niya." Muling napahikbi si Richelle. "Sinisiraan mo lang si Ma'am Alora! Walang na silang relasyon ni Mister Quino."
"Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kailan, hindi natapos ang relasyon nila."
Wala pa ring bakas ng emosyon sa mukha ni Art. Para bang hindi ito kumbinsido sa lahat ng sinabi ni Richelle.
"Lalabas din ang katotohanan. Subukan mo siyang pasundan para magkaalaman."
Tumitig ng mariin sa kanya si Art.
"Alam mo bang hindi alam ni Mister Fuentares ang pag-uusap nating ito? Kaya umamin ka nalang, Miss Ravina. Kapag nalaman 'to ni sir Zeke, hindi ka niya mapapatawad." Muling bumalik ang kaba ni Richelle.
"Nagsasabi ako ng totoo, Mister Pueblo. Maniwala ka sa'kin. Walang dahilan para magsinungaling ako."
"Hindi mo ako maloloko, Miss Ravina."
"Alam ko. At sinisiguro ko sa'yong nagsasabi ako ng totoo."
Ngumisi sa kanya si Artheo.
"We'll see."
Dumagundong ang kaba ni Richelle. Mukhang naipasubo niya ang sarili. Gayunman ay wala siyang balak magpahalata. Pinilit na lamang niyang isipin na magagawan nila iyon ng paraan. Ang pag-uusap na iyon nina Art at Richelle ay nasaksihan ni Zeke Fuentares. Naging posible iyon dahil sa tulong ng hidden camera na nasa loob ng conference room.
"Hindi! Hindi ako niloloko ni Alora."
Pumikit siya at saka nagpakawala ng hangin.
"Oo tama! Hindi totoo ang sinasabi ni Richelle.
"Pero ang sabi sa'kin ni Ken, never silang nag-break."
"Pero ang sabi sa'kin ni Ken, never silang nag-break."
"Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kailan, hindi natapos ang relasyon nila." "Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kailan, hindi natapos ang relasyon nila."
Tila sirang plakang nag-replay ang boses ni Richelle Ravina sa kanyang isip.
Ipinilig ni Zeke ang kanyang ulo.
"Hindi! Nasisinungaling lang si Miss Ravina."
Nagpabalik-balik siya ng lakad.
"Oo, tama! Nabasa ko mismo ang message ng break up nila noon."
"Tama! Nagsisinungaling lang si Richelle.
Napabuga siya ng hangin. Hindi niya nakakitaan ng kahit anong senyales ng pagkukunwari si Richelle.
Pumikit siya at pilit na winaksi ang gumugulo sa kanyang isip.
"Trust. I should trust my wife."
Maya-maya lamang ay nakarinig siya ng pagkatok sa pintuan. Pagkatapos ay gumalaw ang doorknob. Ilang sandali lang ay iniluwa nito ang maamong mukha ng kanyang misis. Suot nito ang kanyang T-shirt na umabot hanggang sa kalahati ng kanyang hita.
Pasimple namang isinara ni Zeke ang kanyang laptop. At nang makalapit sa kanya si Alora ay kaagad niya itong sinalubong ng yakap.
"Hindi ka ba papasok ngayon?" Tumingala ito sa kanya habang magkayakap parin sila.
"No wife. Work at home na muna ako ngayon. I wanna spend more time with you."
Humiwalay ng yakap si Alora kay Zeke pero napunta naman ang mga kamay nito sa magkabilang kamay ng kanyang mister.
"May sasabihin sana ako sa'yo." Nakita niya ang pagkurap-kurap ng mga mata at paglunok nito.
"What is it?" Kumabog ang kanyang dibdib ngunit pinilit niyang maging kalmado.
"Naaalala mo pa ba si Franc?"
Tumango siya bilang tugon.
"Bale noong araw ng uwi mo galing Japan, lumabas ako noon para mag-apply ng trabaho."
"Are you trying to say that you got hired?"
"Yes. Parang gano'n."
"But that was almost two months ago. Ba't ngayon ka lang na-hire?
"Kasi hindi talaga ako nakapag-apply kasi nakipag-bonding ako kay Neil. Pero kahapon, tumawag si Franc, tinatanong niya kung may work na ako. May job vacancy na raw sila na pwede sa'kin." Hindi umimik si Zeke. Hindi niya gusto ang pinupunto ng kanyang misis pero hindi siya nagpahalata.
"Kaya gusto ko sanang malaman kung papayagan mo ako."
Parang hinaplos ang puso niya sa narinig.
"Pa'no kung sabihin kong hindi?" Kalmante ang boses niya ngunit hindi nito naitago ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Hindi ko tatanggapin kung ayaw mo."
Gumuhit ang pigil na ngiti sa labi ni Zeke.
"Ayokong mag-away tayo kaya kinonsulta muna kita. At saka gano'n naman ang mag-asawa, 'di ba?"
Hindi na napigilan ni Zeke ang paglawak ng kanyang ngiti.
Maluha-luha niyang niyakap ang kanyang misis.
"I'm very happy, Alora. Dahil sa wakas asawa na rin ang tingin mo sa'kin."
"Hindi ka naman kasi mahirap mahalin, Zeke."
Humiwalay ng yakap si Zeke sa kanyang misis.
Bumaba ang mukha nito at ginawaran niya ito ng halik na tinugon naman ni Alora.
Bumaba ang kamay ni Zeke sa pang-upo ng kanyang misis. Binuhat niya ito upang magtapat ang kanilang mga mukha.
Habang magkahugpong ang kanilang nga labi ay kumilos si Zeke habang buhat-buhat niya ito. Dinala niya ito sa sofa na naroon. Inihiga niya roon ang kanyang kabiyak.
Naghiwalay ang kanilang mga labi at buong pagmamahal na tinitigan ang isa't-isa. Mula sa mga salitang binitiwan ni Alora at sa titig niyang puno ng pagmamahal, pansamantalang na isantabi ang kanyang pangamba.
Sa kabilang dako, naghithit-buga siya ng sigarilyo. Nakatutok ang mata nito sa LED screen na nasa kanyang harap. Mula roon ay makikita ang iba't-iba angulo ng camera sa mansiyon ng mga Fuentares.
Lumabas ang magkaakbay na sina Alora at Zeke sa loob ng library room. Matamis ang ngiti nila sa isa't-isa.
"Flirty just like her mother." Madiin niyang inginudngod ang hawak niyang sigarilyo sa babasaging astray na nasa ibabaw ng mesa.
"Enjoy the moment my dear. Malapit ka na sa worst part ng life mo." Mala-demonya itong humalakhak.
"Alora, my dear, Alora." Pinadausdos niya ang kanyang mahabang kuko sa screen kung saan naka-pause ang magandang mukha ni Alora Andrada. "I'll make sure you'll experience the worst."
Kinuha nito ang kanyang cellphone at nagtipa. Maya-maya lang ay sumagot naman ang kabilang linya.
"Is every thing ready in the hotel for next week's event?"
["Yes Madame."]
"Lahat ba ng bilin ko, nasunod?"
["Hundred percent, Madame. Ang kulang na lang po ay ang ating mga VIP guest."]
"Good!"
Muli siyang napatingin sa malaking screen na nasa kanyang harap. Makikita roon ang iba't-ibang bahagi ng mansiyon ng mga Fuentares. Kita niya ang bakuran, kabuuan ng kusina, sala, hagdanan, hallway ng second floor at ang kwarto ni Alora. Tanging ang library room, kwarto ni Zeke at ang buong third floor ang walang naka-set up na camera.
Sinundan niya ng tingin ang magkaakbay na sina Alora at Zeke. Bumaba ang mga ito sa hagdan at tinungo ang kusina.
Tumalim ang tingin niya nang makitang ipinaghila ni Zeke si Alora ng upuan.
Lalo siyang nakaramdam ng galit nang makita niyang ipinagsandok pa nito ng pagkain si Alora. Matamis ang ngiti nito habang pinagsisilbihan si Alora Andrada.
Maya-maya lang ay lumapit sa kanila ang mayordomang si Linda.
Kaagad siyang napangisi nang makitang iniabot ni Linda ang isang dark blue envelope.
Agad naman binuksan iyon ni Zeke at pinasadahan ng tingin.
"Make sure to give our guests with a very very warm welcome." Lalo siyang ngumisi. "They will be arriving next week."
["Noted Madame!"]
Nakangisi niyang tinapos ang tawag.
"Malapit na malapit na, Alora. I can't wait to see you suffer!"
Muli siyang napatitig sa screen. At sa bawat ngitian at tawanan ng dalawa ay lalong tumatalim ang tingin nito.
Napakuyom siya ng kamao nang makita niyang nagsubuan ng pagkain ang dalawa.
Sa kaibuturan niya, gusto na niyang hilain ang araw upang dumating na ang araw na kanyang pinakahihintay, ang araw ng pagkalugmok ni Alora Andrada.