My Stranger Legal Wife

Chapter CHAPTER 12: Impostor



Hinintay ni Zeke ang pagpasok ng dalawa. Kalmante itong umupo at humalukipkip. Diretso lang ang tingin nito sa dalawang babae. Parehong-pareho sila ng hulma ng mukha. Gayunman ay agad ding mapapansin ang pagkakaiba ng dalawa. Bukod sa istilo ng pananamit, mas balingkinitan ang pangangatawan ng sopistikadang babae.

"Do I still need to introduce myself?" Nakaarko ang kilay nito habang nakatingin kay Zeke.

Nanatili lamang silang nakatayo, tila wala silang planong patagalin ang usapan.

Hindi naman umimik ang lalake, nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Sa loob niya ay tinitimbang ang kanyang damdamin sa babaeng dati niyang kinasama.

"Alright! I am Leinarie Melendrez. And I am your real wife."

"As far I know, I am legally married to Alora Leigh Andrada." Pinanatili ni Zeke Xavier na huwag magpakita ng emosyon. Kahit na ang totoo ay nagsisimula na siyang kainin ng labis na pagkamuhi. Animo'y bumalik ang sakit ng panloloko at pang-aabandonang ginawa sa kanya noon ng babaeng kanyang minahal.

"Simply because I used her identity. I am the one who's present on the wedding day. I also lived with you for three years."

"Then why it is there is an impostor in my house?" Hindi niya napigilang napataas ang boses.

"་

To get the divorce." Kalmante naman ang babae na para bang wala lang ang nangyayari.

"You can have it without fooling me!"

"Alright! Sorry." Hindi man lang ito kinakitaan ng kahit konting senseridad. Sa isip-isip ni Zeke ay natanto niyang ito nga talaga ang babaeng dati niyang nakasama bilang asawa. Hanggang ngayon ay wala parin itong pinagbago. "Pasensiya ka na Zeke. Hindi namin intensiyon na lokohin ka." Saglit siyang bumaling sa nagsalita. At sa mata nito nakita ang pagpapakumbabang nais niya sanang makita sa isa pa niyang kaharap.

"I think we don't need explain. I know that you already did an investigation."

Totoo naman ang winika niya. Subalit may mga katanungan paring hindi masasagot kahit ilang private investigator pa ang kanyang bayaran.

Muli niyang sinariwa ang nangyari kanina. It happened few hours before Leinarie Melendrez arrived.

"What did you found out?" Kanina pa niya gustong magtanong ngunit nagkataon namang nasa harap nila si Richelle Ravina.

"The woman in your house is Alora Leigh Andrada, sir." Kaagad ding naupo si Art Pueblo sa tapat ng kanyang amo.

"How? I am very sure that she is not my wife." Lalo tuloy naguluhan si Zeke. Nasisiguro niyang hindi iyon ang kanyang asawa dahil isa itong birhen. Malinaw pa sa alaala niya na hindi siya ang nakauna sa asawa niya noon kaya paanong magiging birhen itong muli?

"Because you married an impostor, sir. Her bestfriend, Leinarie Melendrez used her identity."

"Seriously? Wait! You said they are bestfriends? Pa'no sila naging magkamukha kung bestfriend lang pala sila?"

"It became possible through a plastic surgery, sir." Inilapag niya sa harap ni Zeke ang ilang piraso ng papel. Kinuha naman iyon ni Fuentares at binasa.

"Iyan po ang record ni Miss Melendrez sa kanyang plastic surgery."

Isang litrato ang muling inilapag ni Artheo sa harap ng kanyang amo. Agad namang napatitig roon si Fuentares. Bumungad sa kanya ang ang isang babaeng maputi. Bilugan ang hugis ng mukha nito. Sakto lang ang tangos ng ilong. At may kakapalan ang labi nito. Maganda ang mukha nito ngunit mayroon siyang masungit na aura dahil sa seryosong mukha nito at dahil na rin sa arko ng kanyang kilay.

"That's the original face of Leinarie Melendrez."

Natanto niyang hindi gano'n karami ang binago sa mukha niya. Mukhang nagpadagdag lang ito ng pisngi, nagpanipis ng taba sa baba, pinanipis ang kanyang labi at nagpalagay ng eyelashes.

"Here are the details about her, sir." Muli itong naglahad ng papel na ang nilalaman ay tungkol kay Leinarie Melendez. Agad namang niyang pinagtuunan ng pansin iyon.

"Anong intensiyon ni Miss Melendrez sa plastic surgery?" Hindi niya maiwasang magtaka dahil maganda naman ang orihinal na mukha nito.

"Hindi malinaw ang dahilan niya, sir."

"She's the only heir of Melendez Corp." Nanatiling nakapokus ang kanyang mata sa binabasa.

"Yes sir but Franc Belmonte is the one who's managing it."

"Franc Belmonte? His name is quite familiar. Are they related to each other?"

"He's also a businessman, sir. And he is the father of your wife's son." Natigil naman si Zeke sa pagbabasa niya. Para siyang nakaramdam ng kirot sa puso. Hindi nga maitatangging minsan ay iniputan siya sa ulo ng kanyang maybahay. "A-And about her family?"

"Ulila na po siya sa ama. Nag-suicide po si Mister Melendrez dahilan para mabaliw ang kanyang asawa. Mukhang malala dahil mahigit ten years na pero hindi pa rin nakakalabas si Mrs. Melendrez sa mental hospital." "What's the reason of his suicide?"

"Unfornately sir, that question is not yet answered until now. May mga naglabasang expeculation na may iba siyang babae. May nahanap kasing red lipstick sa kwarto niya. Pero bukod pa roon, sir, nasa state of bankrupcy ang Melendrez Corp noong time na iyon. Kaya hindi po malinaw kung ano nga bang rason ng suicide niya."

Napahawak si Zeke sa kanyang sentido. Naisip niyang matindi rin pala ang pinagdaanan ng dati niyang kabiyak.

"At bakit napunta kay Belmonte ang pamamahala sa Melendrez Corp."

"He was Leinarie's boyfriend, sir. More than two years after his father's death, she went missing."

"Missing? Anong nangyari?"

"Noon na nangyari ang plastic surgery, sir. She used Alora Andrada's identity for three years."

Iniabot ni Art ang ilang piraso ng papel.

"Iyan po ang record na magpapatunay, sir. During that time, someone is using the name Alora Leigh Andrada-Fuentares. And someone also using the maiden name of your wife."

Sinuri naman ng tingin iyon ni Zeke. Naroon nga ang record of transaction ng isang Alora Fuentares at Alora Andrada.

"And here are the details about Miss Alora Andrada." Nag-abot ito ng ilang piraso ng papel na agad namang kinuha at pinasadahan ng tingin ni Zeke.

Naroon ang mga basic information ukol sa kanya gaya ng educational at employment background. Nabanggit rin ang pagiging legal nilang mag-asawa.

"Naulila siya at the age of nineteen?" Hindi niya maiwasang mapakunot-noo.

"Yes sir, parehong namatay ang parents niya sa isang plane crash."

Nanatili nakatuon ang atensiyon niya sa kanyang binabasa.

"Noon po niya nakilala ni Leinarie Melendrez. That's the beginning of their strong friendship."

"So sabwatan ito ng best of friends. That's maybe the reason why Alora is pretending to be my wife." Agad niyang naipilig ang kanyang ulo nang maalala ang kanilang sitwasyon. Totoong asawa nga pala niya si Alora Andrada. "I mean, kinokonsinte niya ang bestfriend niya kaya siya ang nandito." Inalis niya ang atensiyon roon at bumaling kay Art.

"Posible, sir. Pero sila lang po ang makakapagsabi kung ano ang totoong dahilan. Sa ngayon po, hindi natin alam ang totoong intensiyon nila."

"Yeah. You're right. Maaaring pera lang ang habol nila." Tumango-tango ito bilang tanda ng pagsang-ayon kay Art.

"But I suggest, sir. You should keep one of them. Kasi kung may masama po silang intensiyon, mas mabuting nasusubaybayan mo kahit ang isa lang sa kanila."

At ngayong nasa harap na niya ang dalawa, sino ngayon ang dapat niyang piliin?

"Now that the truth is revealed, I am hoping that you will grant us the divorce that we are asking from you."

"Alora and I will discuss about it," agad sumagot si Zeke. Kung mayroon mang dapat mag-usap tungkol doon ay silang dalawa lamang ni Alora dahil sila ang kinikilalang legal na mag-asawa ng batas.

"That's good. Since everything is settled, we'll go ahead." Pumihit ang paa nito patalikod.

"You go ahead! Alora will stay in this house." Agad naman siyang napalingon.

"What?" Hindi nito naitago ang gulat at pagkadisgusto sa tinuran ni Fuentares.

"As long as she is married with me, she will stay in this house!" Puno ng pinalidad ang boses ni Zeke. Ngayong araw, tinatapos na niyang ang pagiging sunud-sunuran sa babaeng kanyang minahal. Ipapakita niyang lumilipas na din ang damdamin kasabay ng panahon.

"Are you listening to yourself? She is not your wife!" Tuluyang nang nawala ang composure nito.

"She is! I am legally married to her."

Napairap na lamang si Leinarie sa kanyang katwiran.

"Alright! But she is still a stranger."

"Not anymore." Totoo namang hindi na ito istranghero dahil nakasama niya ito ng ilang linggo.

"We will still leave this house." Agad nitong hinawakan ang kamay ni Alora at hinila ito ng marahan. Ngayon niya napapatunayang magpahanggang ngayon ay wala parin pinagbago ang dati niyang kabiyak.

"Okay, you choose, both of you will leave this house or both of will be in jail?"

"What the fu---" Humawak si Alora sa kamay dahilan para mapahinto ito sa pagsasalita.

"I'll just stay here if that's what he wants."

Gumuhit sa mukha ni Leinarie ang pagtutol at pag-aalala.

"Ayos lang ako. Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko."

"You heard that, Miss Melendrez. The door is wide open. It is waiting for you to leave."

Awtomatiko namang nagtangis ang mga ngipin ni Leinarie sa sinabi ni Zeke. Pinalambot lang niya ang ekspresiyon nang bumaling siya kay Alora.

"Take care of yourself. Call me if anything happens. I will rescue you immediately." Humawak pa ito sa pisngi ni Alora.

"Thank you, Leina. Salamat rin dahil dumating ka." Ipinatong niyo ang palad niya sa kamay ni Leina sa kanyang pisngi.

"You're like sister to me, Leigh. I will not let anybody to harm you."

Sa kanilang paghaharap, may isang natanto si Zeke. Iyon ay ang pagiging malambot ng puso at pagkatao ni Leinarie kay Alora Leigh.

"I am always here for you, Leigh." Yumakap sa kanya si Alora at agad naman nitong ginantihan ng mahigpit ngunit panandaliang yakap.

Nang humakbang si Leina palabas ng pintuan, hindi na napigilan ni Alora ang pangingilid ng kanyang luha.

Nang sumara ang pintuang ay agad niyang pinahid ang luha bago ibaling ang tingin kay Zeke.

"Sorry sa ginawa kong pagpapanggap, Zeke."

"Bakit nga ba nagpanggap?"

Kagabi pa niya gustong itanong iyon pero pinili niyang ipagpaliban na lang matapos niyang marinig ang pag-iyak nito. Hindi rin nito ginalaw kagabi ang pagkaing dinala ng katulong. Matapos siyang ikuha ng kasambahay ng damit ay kaagad din itong bumalik sa pagtulog.

"Dahil kailangan kong ipawalang-bisa ang kasal natin bago pa malaman ni Kenneth." Sa isip-isip ng binata ay naglalaro ang ideya kung gaano kaswerte ang kasintahan nito sa kanya.

"Wala na kayo ni Kenneth kaya ano pang silbi ng divorce?"

"Kailangan pa rin. Para wala na akong sabit kapag nahanap ko na ang tamang tao para sa'kin. Gano'n rin sa'yo."

Hindi naman umimik ang si Zeke bagkus ay nanatili lang itong nakatingin sa kanya.

"Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. Kung plano mo akong kasuhan, go ahead. Hindi kita pipigilan. Aminado naman akong magkamali ako."

"I can't find any case to file. At kahit naman meron, hindi pa rin kita idedemanda."

"Then bakit ako nandito?"

"To pay what you've done." Napalunok naman si Alora dahil sinabi nito. Anong klaseng kabayaran ang hihingiin nito?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.