Dominant Passion

Chapter Chapter Thirteen —  the problem (Part Two)



Nagsimula ang kaba ko nang umabot na sa isang linggo ay wala pa rin siyang mensahe sa akin. Kinakagat ko ang aking kuko dahil aa stress. Ano na kayang nangyari at wala siyang update sa akin? Baka naman talagang tinakasan niya na ako?

Ano ba, Jarell! Hindi naman ganyan si Brelenn! Tumutupad siya sa mga pangako niya sa akin. Hindi siya tatakas. Mahal niya ako.

Bumuntong hininga ako at pinindot muli ang number niya para muli itong i-dial. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Pero talagang cannot been reached ang number niya.

"Sino ang tinatawagan mo at parang balisa ka?" Napaupo ako sa sofa dahil sa tanong ni mama. Hinilot ko ang aking sintido.

"Si Brelenn po, hindi ko po matawagan ang number niya. Magda-dalawang linggo na po siyang hindi nagbabalita sa akin. Kinakabahan na po ako ma, baka ano na pong nangyari doon..." Ang lakas ng kalabog ng aking puso. Sinilayan ko na lamang ang wallpaper ko na picture naming dalawa sa airport para kumuha ng lakas.

Umabot na ng isang buwan na wala siyang paramdaman. Puro mahahabang message ang sine-send ko sa kanya, nagku-kwento sa bawat araw ko pero kahit kailan ay hindi niya ito nireplyan o kahit binasa manlang.

Nagsisimula na akong mabahala. Baka nga may masamang nangyari kay Brelenn, huwag naman sana. Mas lalong lumaki ang isang posibilidad sa aking isipan, na baka tumakas talaga siya dahil ayaw niya na sa akin. Baka nakakita siya ng mas maganda roon?

Pero paano ang mga pangako niya?

Araw-araw, gabi-gabi ay puro mensahe❜t mga missed calls ang kanyang natatanggap sa akin. Napapaiyak na lang ako dahil sa pag-alala lalo na kapag pinapanood ko pa ang video namin sa airport kung kailan nagpropose siya sa akin. "Nak, kakain na tayo." Kinatok ni mama ang kwarto ko isang araw. Tanghali na ay hindi pa rin ako lumalabas, pang-anim na katok na ito sa akin ni mama.

"Wala po akong gana!" Sigaw ko rito para marinig niya. Nakahiga lamang ako sa higaan ko habang walang tigil na umiiyak kakaisip.

Tangina mo, Brelenn, nasaan ka ba talaga?

"Nak, kain na... Buntis ka, kawawa naman si baby. Nak, kahit para lang sa baby..." May halong pagmamakaawa sa akin ni mama.

Marahas kong pinahid ang aking luha at pinagbuksan siya ng pinto. Sinalubong niya ako ng yakap pagkakitang-pagkakita niya sa aking mga mata.

"Wala pa ring balita sa kanya?" Tanong niya habang hinihimas ang aking ulo.

Umiling agad ako.

"Ipagdasal na lang natin na sana ay maging maayos na ang lahat. Sana okay lang siya. Babalik din siya, sana... Tahan na, anak..." Pilit akong pinapatahan ni mama pero hindi talaga ako matigil.

Bumaba na kami para kumain. Nang makita ni papa ang mukha ko ay nabahiran ng pag-aalala't takot ang kanyang mukha na kanina lang ay malapad pa ang ngiti.

"Anong nangyari?" Tanong niya kay mama.

Nagkibit balikat si mama. Tila pinapahiwatig na ayaw niyang pag-usapan namin dahil halata naman sa mga mata ko ang dahilan.

"Kapag nakita ko talaga ang Brelenn na 'yan, tatagain ko siya!" Galit na sigaw ni papa.

"Jaime!" Saway ni mama. "Anak kumain ka na," ulit niya sa akin na tinanguan ko naman.

Ganoon ang routine ko palagi. Ilang linggo na akong ganito kaya lubos na nag-aalala sila mama. Nag-aalala na rin ako sa sarili ko para kay baby.

Hinawakan ko ang aking tiyan habang nakabukas ang bintana ng kwarto ko. Nasisinagan ako ng araw habang nakataas ang aking damit para painitin ang aking tiyan.

"Nak, sa tingin mo iniwan na tayo ng daddy mo?" Tanong ko sa batang nasa tiyan ko pa lamang. Sarkastiko akong napangiti kasabay ng luha kong nag-uunahang magsi-alpasan sa aking pisngi. "Hindi niya na siguro tayo mahal kaya hindi na siya tumatawag manlang." Nagseryoso ako ng tingin sa kawalan.

Minsan ay naglalakad kami nina mama at papa para mag-exercise. Ilang linggo na nila akong hindi nakakausap dahil wala akong ganang magsalita. Tanging pag kakain lang kami tsaka ako nakakasagot pero tanging 'po', 'opo' at 'hindi po' lamang ang kanilang naririnig mula sa akin.

Isang gabi, pumunta silang dalawa sa kwarto ko. Sabay nila akong niyakap pero hindi ako makapag-react. Pakiramdam ko ay namanhid na ang puso ko sa sakit.

Dati pa lamang ay naloloko na ako. Ngayon, nawalan na nga ako ng best friend at boyfriend... Ngayon fiance naman. Kina-karma nga ba talaga ako?

"Nak, kausapin mo naman kami," tumutulo ang luha ni mama habang kami ay kumakain. "Please anak... Kausapin mo si mama at papa. Nag-aalala na kami sa 'yo pati sa magiging anak mo. Ayaw kong may masamang mangyari sa inyo---" "Please leave me alone." Mahinang pakiusap ko.

"Anak---"

"Leave me alone!" Napataas ang aking boses dahilan para matigilan silang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa, mukhang parehas nasaktan sa sinabi ko. Napatalakbong na lang ako ng kumot, doon ako umiyak nang umiyak. Minsan ay naiimbitahan din ako sa mga party o kahit mga kasal ng mga kaibigan ko pero hindi ako madalo. Tanging si Brelenn lang kasi ang pinaka-close ko pero ngayong nawala siya, wala na akong kausap.

Napunta ako sa Facebook account ni Brelenn. Dumiretso ako sa message box habang walang tigil na umiiyak pa rin. Hinold ko ang voice message para roon magsalita.

"Listen, you mother fucker." Galit na simula ko. "I don't fucking know why you fucking left but I don't want to see you ever again. You stay there, fucker. You will never see me again. I assure you, you will never see me again. I hate you so much and I hope you rot in hell!" Mas lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa hinanakit.

Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ko na malaman kung hihintayin ko ba siya o ano man dahil isang beses niya lang akong tinawagan!

"S-Sabi mo mahal mo ako?" Humina ang boses ko pero patuloy pa rin ako sa pagsasalita. "Brelenn, mahal na mahal kita. Bakit ngayon parang hinahayaan mo na lang ako? Nakahanap ka na ba ng ibang mas maganda sa akin diyan sa France? Kinakasal na ang mga kaibigan ko pero ikaw hinihintay pa rin kita. Nag-aalala na sila mama sa akin dahil hindi nila ako makausap. Isa lang naman ang dapat sisihin dito eh, ikaw lang! Ikaw, Brelenn!" Galit na galit ang boses kong namamaos na. Naramdaman ko ang pagyakap ng mga magulang ko sa akin. Wala akong magawa kung hindi magpayakap na lang, kailangan ko rin iyon. Kailangan ko ng lakas ngayon. Lalo na at may hawak akong buhay sa sinapupunan ko. Pagkatapos noong araw na 'yon ay hindi ko na mamessage ang number niya dahil nawala na ang type message bar nito. Ibig sabihin, kung hindi ako binlock ay wala na ang number. Hindi na available. Wala nang natira pang luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay nailuha ko na lahat.

Pinilit ko na lang na bumalik sa normal kahit na sobrang hirap. Hinahawakan ng mga magulang ko ang kamay ko kahit nahihirapan din sila sa sitwasyon. Kahit kailan ay hindi na lumabas sa kanilang bibig si Brelenn. Tatlong buwan. Tatlong buwan na siyang walang paramdam.

Habang nakatingin ako sa salamin at tinitingnan ang baby bump ay napangiti ako. Ito ang unang beses na ngumiti ako matapos ang dalawang buwang walang paramdam ang tatay niya. Hinimas himas ko ang aking tiyan. "Hayaan mo, nak... Kaya natin 'to, okay?" Pagkausap ko rito. "Ako na lang ang mommy at daddy mo. Kaya ko naman 'yon pareho eh." Tumawa ako pero tumutulo pa rin ang aking luha. Parang niloloko ko ang aking sarili.

Hindi ko alam ang totoong nangyari kay Brelenn pero ngayon, parang wala na akong balak malaman. Sinaktan niya ako ng lubusan. Iniwan niya ako. Wala akong paki sa rason niya. Wala na nga siya rito, ni pagsend ng mensahe ay hindi niya nagawa?

Wala siyang kwentang asawa at ama! Ayaw ko na sa kanya! May pa-pangako pangako pa siya sa akin na babalikan niya ako at pakakasalan!

Ang pagme-makeup, it's how I cope. But after what happened, nagugulo na ang makeup ko dahil sa pag-iyak ko. Nagkalat ang mascara at eyeliner sa paligid ng aking mga mata habang nakatingin sa salamin. Pinahid ko iyon ng walang emosyon.

I hated everything.

Sumagi sa aking tingin ang singsing. Napatingin ako sa dyamanteng nasa harap noon. Sigurado akong pinag-ipunan niya ito dahil mukhang mamahalin. Sinubukan ko pang matuwa noong unang araw kong isuot ito kahit na umalis siya dahil hawak ko ang pangako niya pero sa nangyayari ngayon ay parang malabo na itong mangyari.

Tinanggal ko ang singsing at pinaglaruan iyon sa aking mga kamay. Para akong baliw na tumatawa habang nakatingin doon.

"Love? Fucking love." Humalakhak ako. "Love is not true! Love is bullshit!" Napalakas ang sigaw ko kaya napaakyat si mama at papa sa taas.

Nag-aalala silang tumingin sa akin.

Tinapunan ko sila ng tingin at inabot ang singsing.

"A-Ano 'to, n-nak?" Takang tanong ni mama habang nakatingin sa singsing.

"Itapon niyo na po ang singsing ma," utos ko. "Hinding-hindi po ako magpapakasal kailanman. Hindi na ako naniniwala sa mga pangako ng gagong 'yon."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.