Chapter Chapter Four (Part 2)
Mainit na ang langit nang magising ako. Nagpanic agad ako nang mapansin kong hanggang ngayon ay wala pa si Brelenn. Baka mamaya ay dinala niya ang bangka at iniwan ako rito--- pero sure naman akong hindi niya kayang gawin 'yon sa akin.
"Nasaan na kaya 'yun?" Nagsimula na akong kabahan kaya kinuha ko agad ang cellphone ko pero napamura ako nang malaman kong deadbat na 'yon. "Pucha, paano ako babalik?" Naniningkit ang mata ko dahil sa init.
Tumingin ako sa gilid ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Brelenn na papunta roon sa isang bangka. May kasama siyang rescue team. May nangyari ba?
Nilapit ko ng kaunti ang ulo ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha. Nakumpirma kong ang nasa isip ko at ang nasa harap ko ngayon ay iisa. Si Naythen nga 'yon. Nakakunot ang nuo niya habang tumitingin sa paligid. Hindi pa nakakapunta sa loob ng bangka si Brelenn nang makita niya ako. Paakyat na sana siya pero bumaba siya ulit.
"Talagang may balak siyang iwan ako," inis na bulong ko. "Sana pala kagabi iniwan ko na lang siya rito kasi nabusit niya ako. Takte, na-lowbat na ako kakabasa ng comfort messages sa Google dahil lang pinaiyak niya ako kagabi." E bakit nga pala ako umiyak?!
Kahit talaga anong gawin ko, kahit na nag-glowup na ako lahat-lahat at malaki na ang pinagbago ng hitsura ko... Kahit na nakamoveon na ako sa mga basurang ex ko... Ganito pa rin 'yung puso ko. Sensitive pa rin.
Isa lang sa mga natutunan ko ay ang mas mabuting protektahan ang puso mo... Kahit na mukha ka pang babasagin sa tingin nila, basta protektado mo ang puso mo, hindi ka masasaktan.
Pero kilala ko si Brelenn bata pa lang kami. Close na close kaming dalawa. Kaya siguro naiyak ako sa ginawa niya. Iyon ang unang beses niyang gawin sa akin 'yon kaya baka hindi ako nasanay.
"Jarell!"
Napaangat ang tingin ko kay Naythen na naka-beach shirt at shorts pa na papalapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong niyakap kaya nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Brelenn. Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at tumingin agad ako sa kanya pero pakiramdam ko ay kusang reaksyon 'yon ng katawan ko.
Nakatingin lang sa amin si Brelenn sa malayo habang nakahinto. Nakita ko rin ang mga rescuers na may sinasabi sa kanya. Baka pinapapunta na siya sa loob ng bangka pero hindi pa rin siya sumusunod sa kanila. Sa amin pa rin siya nakatingin. "Why did you do that?"
Halos pabulong ko na lang iyong tinanong.
"Did what?" Naythen asked me, looking worried. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo. Okay ka lang ba ha?"
"Ano naman sa 'yo?" May halong pagkairita ang tono ko.
"You're my guest," sagot niya agad.
"Who told you that you can hug me just like that? Without my permission?" I clenched my jaw. "Back off while I'm still patient with you..."
Clueless niya akong tiningnan.
Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin at sinubukan akong halikan. Sa gulat ko ay natulak ko siya palayo.
Napatingin agad ako kay Brelenn pero nag-iwas na siya ng tingin sa amin. May sinenyas siya roon sa lalaking nasa harapan niya, isa sa mga rescuers. Maya maya lang ay umalis na sila.
"Ano ba!" Galit kong sigaw kay Naythen. "Magkakaroon ka na ng asawa! Why did you do that? You fucking jerk! You're disgusting!"
Nanlalaki naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakatukod ang braso niya sa buhanginan. "I'm sorry! I didn't mean to do that!"
"Gago ka!"
Hindi ko alam kung bakit ako ganoon magreact. Dati naman ay gustong gusto ko 'yon.
Oh my... did he see that? Baka akala niya ay nahalikan talaga ako nito! Anong sasabihin ko sa kanya? Galit ba siya?
What the fuck is wrong with me...