Chapter Kabanata 98
Bumigay si Madeline sa isang iglap na parang manika na walang kwerdas, nawalan ng malay.
Tila ba dumilim bigla ang kanyang mundo at kinain ng matinding sakit na parang nababalatan siya ang kanyang buong kamalayan.
"Hindi!"
Nagmadali siyang sumugod sa abo na unti-unting natatangay ng nyebe at ulan.
Nagdadalamhating umiyak si Madeline, ang kanyang nanginginig na kamay ay matinding gumagasgas sa sahig habang sinusubukan niyang tipunin ang natitirang abo.
Subalit, unti-unting naging pula ang abo mula sa dugo na tumutulo sa kanyang palad, at sumama ito sa ulan at niyebe.
Nang ganon lang, ang natatangi niyang pag-asa ay tuluyang naglaho.
Miserable siyang umiyak at tumawa, ngunit ang kanyang mapula at basang mata ay tumitig kay Jeremy.
Hindi na niya ito makilala.
Hindi, hindi niya kailanman ito nakilala.
Nagngalit ang kanyang mga ngipin at tumingin siya sa di natitinag na lalaki, napakatulis ng kanyang mga mata. "Jeremy, pagsisisihan mo ito!"
Nang makita ang may poot na titig ni Madeline sa sandaling ito, walang pakeng humagikhik si Jeremy.
"Walang 'pagsisisi' sa diksyonaryo ko."
Tinignan niya ang bodyguard at inutusan ito na ibigay sa kanya ang abo ng lolo ni Madeline.
"Dalhin mo dito."
Biglang sumugod paharap si Madeline. Inagaw niya ang baul ng kanyang lolo at niyakap ito nang mahigpit sa kanyang mga braso. Hindi inasahan ng bodyguard na biglang susugod si Madeline. Nang makita na naagaw ang baul, tumalikod ito para hablutin ito.
Hindi nagpapatinag si Madeline. Itinaas nito ang kanyang binti at sinipa sa sikmura si Madeline.
Crash!
Nalaglag ang baul sa sahig. Isang pamilyar na amoy ang umangat sa lalamunan ni Madeline.
Ngunit wala na siyang pake rito. Gumapang siya palapit, pinoprotektahan ang baul sa ilalim ng katawan niya habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin. "Walang sinuman ang pwedeng humawak sa abo ng lolo ko! Jeremy, kung magiging malupit ka, gawin mo na din akong abo!"
Sinigawan niya si Jeremy. Ang
kanyang malinis at maputing ngipin ay namantsahan ng matingkad na dugoat ang buong katawan niya ay dinudurog ng matinding sakit.
Nang makita ito, itinaas ng bodyguard ang kanyang kamao para saktan si Madeline, ngunit bago pa tumama ang kanyang jamao, sinalo ito nang mahigpit ni Jeremy. "Tabi! Sinong nagsabi sayong hawakan mo siya!"
Bigla siyang nagwala at gamit ng isang binti, sinipa niya palayo ang bodyguard.
Bigla ring bumigat ang ulan at niyebe. Yumuko si Jeremy, puno ng kaguluhan ang kanyang mga mata.
Tinignan niya si Madeline. Nakita niya ang isang kawawang nilalang na nakahiga sa sahig, ang maikli at itim na buhok nito ay nababalot ng niyebe, ang katawan nito ay matinding nangangatog, ang. labi ay may mantsa ng dugo, ngunit kahit na ganon, hawak pa rin nito ang baul. Hindi kailanman
bumibitaw kahit na anong mangyari.
Biglang nanikip ang puso ni Jeremy. Mabilis na nagbabago ang itsurami Madeline sa sandaling ito. Ang mga mata lamang na iyon ang kasinlinis ng dati, na labis niyang ikinagulat.
Hindi na umiiyak si Madeline ngunit ngumiti siya nang tingnan niya ang lalaking yumuko para tignan siya.
"Patayin mo na lang ako Jeremy. Ayaw na kitang makita uli."
Huminto si Jeremy, pagkatapos ay binuksan ang kanyang bibig nang bahagya. "Alam mo na ba ngayon ang mga pagkakamali mo?"
Tinignan siya ni Madeline at kumirot ang mga kanto ng madugo nitong labi. "Alam ko na."
Tinitigan niya ang lalaking minahal siya noon nang lubusan at gustong-gusto niyang makita muli nang may kumikinang na luha.
"Ang pinakamalaking pagkakamali ko sa buong buhay ko ay ang maniwala sa kasinungalingan mo at ang mahalin ka sa loob ng maraming taon."